Hunny Bunnies

Hunny Bunnies Your Daily Dose of HOPpiness
Cute, healthy, & affordable BUNNNIES
Bunny Careguide

Repost!Mga Common Disease(s) (Sakit) ng Rabbits at ano nga ba ang mga Gamot para dito. 📌Diarrhea (Pagtatae)-Nakukuha ito...
09/01/2025

Repost!
Mga Common Disease(s) (Sakit) ng Rabbits at ano nga ba ang mga Gamot para dito.

📌Diarrhea (Pagtatae)
-Nakukuha ito kapag puro gulay ang pinapakain, biglang pinalitan ng Pellets.
Gamot sa Diarrhea:
*Dahon ng Bayabas at Kaimito ipakain kay bunny.
*Tigil ang pellets More on Grass & Hay Muna
*Erceflora half lang ipainom after 3hours painom natira tuloy tuloy ang proseso hanggang gumaling
*Lc Scour

📌Common Colds (Sipon)
-Nakukuha ito kapag nalamigan sila.
Gamot sa Sipon:
*Oregano pakainin ng 2piraso araw araw hanggang gumaling
*Broncure

📌GI Statis/ Bloated
-Nakukuha kapag nasobrahan sa Pellets at sa ibang uri ng Gulay
Gamot para dito:
*Pilitin kumain ang bunny ng Hay , Damo , at tubig
*Maaaring imassage ng dahan dahan ang tiyan niya
*I-encourage siyang maglakad lakad
*Simeticone available sa botika

📌Mange (Sakit sa balat)
-Nakukuha ito sa Maduming Paligid, Nahahawa sa mayrong mange
Gamot Sa Mange:
-Coconut Oil & Madre de cacao ipahid 3x a day. (para sa mild mange)
-Ivermectin Spray, Pour on, o Dermgard mas effective and mabilis ang resulta.

📌Heat Stroke
-Nakukuha nila ito pag naexpose sila sa init
First Aid sa bunny na naheatstroke:
*Ilagay sa Preskong lugar well ventilated area
*Painumin ng tubig na may dextrose powder kung wala asukal at haluan ng kaunting asin
*Dalhin sa pinakamalapit na Vet

📌Fever (Lagnat)
-Sintomas nito ay sobrang lamig o init na tenga.
Home Remedy para dito:
*Painumin ng painumin ng tubig
*maaarin punasan ng telang basa ang tenga
*Dalhin na agad sa pinakamalapit ma Vet

📌Panghihina
Remedy Para dito:
*Painuming ng tubig may dextrose o asukal
*Subu-subuan ng hay/grass icheck kung siya ba ay nagtatae, may sipon, at bloated.
-Dalhin na sa pinakamalapit na Vet.

📌Tick&Flea (nahahawa lamang sila )
Agapan ito agad dahil maaari ito magdulot ng sakit sakanila.
*Ivermectin spray/pour on
*Isawsaw sa apple cider vinegar ang brush at ibrush sakanila

Follow Our Page Hunny Bunnies

Ano nga ba ang Dapat gawin kapag nilanggam ang ating Rabbit? 🐇🐜1. Linisan si Bunny- Tanggalin  dahan dahan ang langgam s...
08/01/2025

Ano nga ba ang Dapat gawin kapag nilanggam ang ating Rabbit? 🐇🐜

1. Linisan si Bunny
- Tanggalin dahan dahan ang langgam sa iyong rabbit.

*Kung nagkasugat siya, lagyan ito ng betadine o quickheal spray.
*Maaari ring magapply ng ice pack kung namamaga ito for 15minutes on and 15minutes off.
*Kung nangangati maaaring pahiran ng aloe vera gel

2. Linisan ang Cage
- Linisan ang cage gamit ang mixture ng 50% water at 50% vinegar.

-Sa mga kits na nilalanggam, linisan ang nestbox tanggalin ang mga balahibo na may dugo.

Note: Iwasang gumamit ng mga Chemical ant spray dahil maaaring makasama ito sa ating rabbits. Kung gagamit nito siguraduhing malayo at hindi nila maaamoy ito.

3. Icheck kung saan nagmula ang mga langgam
- Tignan kung ang pellets ni bunny ay durog durog o may powderized particles kung meron agad itong alisin. Salain muna ang pellets bago ipakain.
- Tignan kung mayroong bahay ang langgam malapit sakanilang cage, tanggalin ito at humanap na ng bagong pwesto ng cage kung saan hindi na pamumugaran o lalapitan pa ng mga langgam.

Paaano ba natin maiiwasan ang mga langgam?


1. Baby Powder
- Mag lagay ng baby powder sa paligid ng cage para hindi makalapit ang mga langgam.

2. Peppermint oil
- Ihalo ang peppermint oil sa tubig at ispray sa stand ng cage.
Note: Siguraduhing hindi malalapitan ito ng rabbit

3. Lemon Juice
- Same process lang sa peppermint oil.

4. Onions
- Maglagay ng slice ng onion malapit sa cage.

5. Ant Chalk

Iobserve ang inyong bunny, kung magpakita siya ng sign or irritation at pagkabalisa Dalhin na agad sa Vet.

For more Tips follow our Page Hunny Bunnies 🐇🥰

Kung pwede lang ganito na lang siya kaliit🥰Noong hindi pa siya allergic magpapicture🤣
08/01/2025

Kung pwede lang ganito na lang siya kaliit🥰
Noong hindi pa siya allergic magpapicture🤣

KIWY🐇
07/01/2025

KIWY🐇

My Camera shy Muddy🐰
04/01/2025

My Camera shy Muddy🐰

🥰🥰🥰Throwback Thursday
02/01/2025

🥰🥰🥰
Throwback Thursday

31/12/2024

HOPPY New Year EveryBUNN🎉🎆

Wishing you a Prosperous New Year Ahead, May the Blessings of the Lord shower upon us🙏❤️

New year is coming! 🎆Anu-ano nga ba ang dapat gawin natin para maiwasang mastress ang ating bunnies sa darating na New Y...
30/12/2024

New year is coming! 🎆

Anu-ano nga ba ang dapat gawin natin para maiwasang mastress ang ating bunnies sa darating na New Year?

Kung ang inyong bunny ay nasanay niyo sa ingay or sounds, good thing ito dahil malaki ang chance na hindi sila mastress pero for safety purposes gawin pa rin ito sakanila.

* Ipet ang inyong bunny, personally I talk to my bunnies (bunparents can relate haha) believe it or not they understand.

* Ipasok sila sa loob ng bahay para makaiwas sa ingay at usok.
-Mas mainam kung sa kwarto sila mailagay, bigyan sila ng hide out para makapagtago sila dahil mahilig ang bunnies sumiksik sa masikip at medyo madidilim.

* Unli Hay & Grass plus toys (chew toys)
- Para sa pagngatngat madivert ang kanilang atensyon.

* Magplay ng soft music
- Mas mainam na may tugtog sa kwarto, yung tugtog na hindi naman ganoon kalakas yung katamtaman lang para di nila ganoon madinig ang putukan.

* Lagyan ng cover na tela ang cage or hideout
- Para hindi nila masyado makikita kung ano ang nangyayari sa labas ng cage/hideout.

Kaya mahalaga na sinasanay natin ang ating bunnies sa mga sounds o ingay, paano nga ba?
Magplay ng music hindi ganoon kalakas katamtaman lamang.

Have a Safe Newyear EveryBUNN🎆❤️

Follow our Page Hunny Bunnies

Wishing you a Holly Jolly Christmas EveryBUNN❄️🌟Love, Hunny Bunnies🐇
24/12/2024

Wishing you a Holly Jolly Christmas EveryBUNN❄️🌟

Love, Hunny Bunnies🐇

4 days before christmas🌲🧑‍🎄Santa bunny kiwy is here🐇Always remember everyBUNN that we should spread and give love on chr...
21/12/2024

4 days before christmas🌲🧑‍🎄
Santa bunny kiwy is here🐇

Always remember everyBUNN that we should spread and give love on christmas day❤️

Yummyyy malunggay☺️😊
09/12/2024

Yummyyy malunggay☺️😊

Very cutesy😊🐰
07/12/2024

Very cutesy😊🐰

So serious naman my baby🐰🤨
04/12/2024

So serious naman my baby🐰🤨

Baisley😘Ps. Hinsi po siya ang sumira ng nasa likod niya hahahaha
01/12/2024

Baisley😘
Ps. Hinsi po siya ang sumira ng nasa likod niya hahahaha

Like momma like daughter🐰🤣Kiwy & Baisley 😘☺️
01/12/2024

Like momma like daughter🐰🤣
Kiwy & Baisley 😘☺️

Rabbit P**p Chart🐇Always remember that their consists of 80% of Grass & Hay kaya dapat hindi sila mawalan nito sa kanila...
23/11/2024

Rabbit P**p Chart🐇

Always remember that their consists of 80% of Grass & Hay kaya dapat hindi sila mawalan nito sa kanilang cage, pwedeng ialternate si grass & hay para di sila magsawa, Grass & Hay are high in fiber that their body needs! Nakakatulong din ang Grass & Hay para maging maayos ang pagfunction ng kanilang Tummy.

Ang cecotropes or yung dikit dikit na bilogbilog nilang dumi kinakain po nila yan normal po yun dahil may nakukuha silang nutrients dito.

No p**p is very alarming po maaaring sign ito ng GI Statis first thing to do contact your vet.

-Encourage your bunny to drink and eat hay or grass.

-Simethicone 1ml

-Encourage your bunny to walk

-Go the vet asap

Kung sila ay nagdudumi (diarrhea) ito ang pwede gawin

-Itigil ang pellets o kahit anong treats. Grass & Hay lang ang ipakain dahil high in fiber na nakakatulong sakanilang tummy.

-Encourage to drink water if ayaw forcefeed you may add sugar or dextrose powder para di madehydrate.

- Erceflora half vial lang ipainom gamit syringe na walang tulis after 3hours paibom natira ulitin lang kung walang pagbabago.

-Lc scour 1ml

Kung 6months pataas si veggies & fruits ay part narin ng kanilang diet PERO dapat moderate lamang Healthy Treats lamang po ito na dapat ibigay 1-3slices 1-2 a week only.

For more Tips Follow our Page Hunny Bunnies ❤️

Masandal tulog ka din ba? 😁😴
22/11/2024

Masandal tulog ka din ba? 😁😴

Rabbit Breed Chart🐰🐇Getting to know the Rabbit Breed🐰Reminder‼️Kapag kukuha ng Rabbit o kahit anong klase po ng hayop pa...
22/11/2024

Rabbit Breed Chart🐰🐇
Getting to know the Rabbit Breed🐰

Reminder‼️
Kapag kukuha ng Rabbit o kahit anong klase po ng hayop palaging tandaan na Dapat itanong sa kaniyang Owner ang mga sumusunod dahil tanging sila lamang ang makakasagot saiyo ng tama.

1. Breed (Lahi)
-Isa sa pinakamahalaga at pinakauna niyo pong dapat na itanong sa breeder o owner ay ang breed dahil sila lamang po ang makakapagsabi sainyo ng eksaktong breed ni bunny kung siya ba ay pure o mix. Para rin makilala o malaman niyo ang pinagmulan ng inyong bunny. Lalo na ngayon na maraming breeders ang nag co-cross breeding at di ko naman nilalahat pero may iilan na sinasabing pure lionhead ang rabbit kahit halata namang mix ito. Maging mapanuri at maging maingat po tayo.

2. Birthdate (Kung kailan siya pinanganak)
-Tanging ang breeder lamang po ang makakasagot sainyo ng tama sakaniyang birthdate mahirap itrace kung magbabase sa laki dahil may mga rabbit breed na malaki at maliit.

3. What is the bunny's age? (kung ilang buwan o taon na ang bunny)
-Tanging ang kaniyang owner lang din ang nakakasagot sayo ng tama kung ilang buwan o taon na siya dahil kagaya sa birthdate di po natin mababase ito sa laki dahil nay rabbit breed na bata pa lang malaki na at mayroong ding maliit padin kahit years old na.

4. Diet (kung ano ang kaniyang kinakain)
-Kailangan niyo malaman sa kaniyang owner kung ano ang Brand ng kaniyang pellets dahil hindi po pwede na basta basta palitan o pakainin sila ng bagong brand na pellets dahil mauupset ang kanilang tiyan na maaari magsanhi ng diarrhea at ito po ay fast killer sa mga rabbit ,kung balak palitan ang pellets dumaan po muna sa Transition Itanong din kung anong mga uri ng damo ang kanilang kinakain at kung dried, air dried, o fresh ba ang kinakain nila para maiwasan din ang pagtatae .

For more Tips Follow Our Page Hunny Bunnies 💕

Address

Pag-Asa Camarin Caloocan City
Caloocan
1400

Telephone

+639476132831

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hunny Bunnies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hunny Bunnies:

Videos

Share

Category