13/02/2021
FAA
FPJ
FFJ
EM
Probiotics
Kapag inilagay yan sa halaman o inilagay sa inumin ng mga alagaing hayop iisa lang ang purpose: mapayaman ang ani, mapatatag ang immune system ng mga hayop upang labanan ang sakit.
FAA
(fermented) fish amino acid
Ratio: 1 to 1 (1kg molasses at 1 kg ng hasang ng isdang hinugasan ng maigi)
Bulukin at ferment ng 2 weeks sa malamig na lugar. Kuhanin ang puree at ilagay sa fridge.
Application: 2 kutsarang puree sa 1 liter na unchlorinated na tubig at ipainum sa alagang hayop
FFJ
fermented fruit juice
Same lahat ng procedure sa FAA pero ang ihalo sa molasses ay mga bulok na prutas or ung mga balat ng prutas tulad ng balat ng saging, pinya, mangosteen, papaya, gayatin ng malilit na parte.
Ganun din ang paraan ng pagferment sa FAA at application nito
FPJ
Fermented Plant Juice
Depende kung anong klaseng gulay ang gusto nyo iferment kasama ng molasses.
May mga gulay na sagana sa nitrogen tulad ng repolyo, kamote tops, kangkong, maaari din ang balat ng soya beans, munggo , kakawate leaves, kangkong, saluyot, ipil ipil , labong at marami pang iba.
Kau ang mamimili kung anong klaseng nutrients ang gusto nyo ihalo at iferment kasama ng molasses. Pareho lang din ang pagferment nito ng FAA,FFJ at ganun din ang application nito.
Kung hindi segurado sa mga chemical composition na gusto nyo itambal sa molassses, anjan si Google
EM / ProBiotic
Effective MicroOrganism
Ang mga sangkap nito kasama ng molasses ay pinaghugasan ng bigas, o malamig na kanin. Ferment ng 2 weeks
Maari din ang yakult, sabaw ng buko at molasses
Same procedure at application with the above.
OHN
Oriental Herb Nutrients
For natural antibiotic, immune booster at Insect repellant
Sangkap
300 grams luya
300 grams turmeric
300 grams sili
300 grams bawang
200 grams molasses
1 liter of gin o vodka
Pinuhin lahat ng mga ito
Ferment ng 10 days to 2 weeks
kuhanin ang puree at ilagay sa fridge
Ispray sa kung saan namumugad ang mga insekto.
Preho lang ng application 2 kutsara sa 1 litro ng tubig ang ratio. Kung gusto ng mas matapang na timpla gawing 4 na kutsara sa 1litrong tubig..
Ang mga nakasaad dito ay mga add ons lang o pangtulong lang.
Copied and Edited