Jojo's Hatchery Main

Jojo's Hatchery Main Located at Ibabao, Cuenca Batangas
Please contact Jojo Robles@
0951 011 5669

Mga Tips sa Pagpapakain ng Nagmo-Molt na Manok 🍲1. Protein-Rich Diet:Ang mga manok ay nangangailangan ng mataas na proti...
28/06/2024

Mga Tips sa Pagpapakain ng Nagmo-Molt na Manok 🍲
1. Protein-Rich Diet:
Ang mga manok ay nangangailangan ng mataas na protina upang matulungan silang makabuo ng mga bagong balahibo. Magbigay ng feeds na may mataas na protein content tulad ng soybean meal o fish meal,or ready pellets.
Halimbawa: 20-22% protein content sa kanilang feeds.
2. Vitamins and Minerals:
Siguraduhing may sapat na supply ng bitamina at mineral. Ang Vitamin E, B complex, at Selenium ay mahalaga para sa kanilang kalusugan.
Halimbawa: Magbigay ng multivitamins supplements sa kanilang tubig o pagkain.
3. Calcium and Phosphorus:
Kahit hindi sila nangingitlog, kailangan pa rin nila ng calcium at phosphorus para sa kanilang buto at balahibo.
Halimbawa: Calcium supplements, crushed oyster shells o limestone na halo sa kanilang feeds.
4. Fresh Greens:
Magbigay ng sariwang gulay at damo para sa karagdagang nutrisyon at pampagana.
Halimbawa: Mga dahon ng malunggay, kangkong, o alugbati.
5. Clean Water:
Siguraduhing palaging may malinis na tubig na maiinom ang mga manok.
Halimbawa: Palitan ang tubig araw-araw upang maiwasan ang kontaminasyon.
Tandaan, ang tamang pagpapakain ay makakatulong sa mas mabilis at maayos na pag-molt ng inyong mga manok. 🐔💪
Abangan ang ating susunod na post tungkol sa pag-aalaga ng molting chickens!

Breeding Schedule Reminder po ulit natin mga Bossing!😉
17/11/2023

Breeding Schedule Reminder po ulit natin mga Bossing!😉

80 sisiw out of 86 fertile eggs para kay Boss Darren93% hatching rate po tayo dito.Salamat Boss sa pagtitiwalaPM or tawa...
13/11/2023

80 sisiw out of 86 fertile eggs para kay Boss Darren
93% hatching rate po tayo dito.

Salamat Boss sa pagtitiwala

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @0951 011 5669 para magpa-schedule ng salang.

"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"

Mahalaga na sundan ang tamang dosage at iwasan ang Doble-doble o sobrang paggamit ng vitamins, minerals at supplements n...
02/11/2023

Mahalaga na sundan ang tamang dosage at iwasan ang Doble-doble o sobrang paggamit ng vitamins, minerals at supplements na maaaring magdulot ng masamang epekto sa health and reproduction ng ating mga alagang manok.
1. B Complex Vitamins at Liver Extract
Ang B complex vitamins at liver extract ay maaaring magbigay ng dagdag na enerhiya at pangangailangan ng katawan. Subalit, ang sobrang paggamit nito ay maaaring magdulot ng hindi inaasahan na epekto sa katawan.
Halimbawa, ang sobrang dami ng B complex vitamins ay maaring magdulot ng labis na stress sa mga manok na maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan na magparami.
2. Vitamins A, D, at E
Ang mga bitaminang A, D, at E ay mahalaga sa kalusugan ng mga manok. Ngunit ang sobrang paggamit nito ay maaring magdulot ng toxicity na nagdudulot ng mga epekto sa reproduction.
Halimbawa, sobrang vitamin A ay maaring magdulot ng mga birth defects sa mga itlog.
3. Testosterone oral/Injections Ang paggamit ng testosterone oral/ injections sa mga tandang ay maaaring magdulot ng hormonal imbalance. Ang sobra-sobrang testosterone ay maaring magdulot ng mga epekto sa kanilang kakayahan sa pag-aanak, na maaaring makaapekto sa fertility rates.
4. Calcium
Ang tamang antas ng calcium ay mahalaga para sa buto at balahibo ng mga manok. Ngunit ang sobra-sobrang calcium ay maaring magdulot ng mga problema sa buto o kidney damage. Pwede rin maging sobrang tigas ng eggshell at mahirapan lumabas ang sisiw.
5. Iron
Ang iron ay mahalaga para sa kalusugan ng manok. Subalit, ang sobra-sobrang iron ay maaaring magdulot ng mga problema sa digestive system at maging sanhi ng stress sa mga manok.

Araw ng Linggo!Araw ng salang po tayo sa Jojo's Hatchery!Sugod na mga Bossing!🏃‍♂️🏃‍♀️"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiy...
28/10/2023

Araw ng Linggo!
Araw ng salang po tayo sa Jojo's Hatchery!
Sugod na mga Bossing!🏃‍♂️🏃‍♀️

"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669.

Salamat po sa inyong pagtitiwala!

Tuloy-tuloy lang po ang pagpipisa natin para sa Early Bird warriors mga Bossing!PM or message lang po kay Jojo Robles @ ...
28/10/2023

Tuloy-tuloy lang po ang pagpipisa natin para sa Early Bird warriors mga Bossing!
PM or message lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 para mai schedule natin ang pasalang ng mga itlog nyo.
Salamat po sa inyong pagtitiwala.😊🙏

27/10/2023
💡Kondisyon ng Panahon: Ang malupit na pagbabago ng panahon, partikular na ang nangyari nitong buwan ng Setyembre at Oktu...
25/10/2023

💡Kondisyon ng Panahon:
Ang malupit na pagbabago ng panahon, partikular na ang nangyari nitong buwan ng Setyembre at Oktubre, ay maaaring makaapekto sa rate ng fertility. Ang matinding ulan at pagbabago ng temperatura ay maaaring magdulot ng stress sa mga ibon/manok.
1.Halimbawa, kung ang "mating season" ay nagkasabay sa malalakas na ulan, maaaring magkaroon ng pagbabago sa ugali ng mga manok dahil sa sobrang kahalumigmigan/humidity.
2. Tandaan na may epekto ang liwanag sa fertility ng mga manok. Sa panahon na laging maulan, ang langit ay laging madilim at malamig ang temperatura sa paligid. Dahil dito,posibleng may mga "hormonal changes" din na nakakaapekto sa fertility ng manok.

25/10/2023

Walang semilya VS merong semilya

*Hindi po kasalanan ng Incubator na walang semilya.
Kagagawan po ng manok kaya walang semilya.😁
💡Hindi po successful ang nangyaring FERTILIZATION nung binubuo ang itlog kaya walang semilya.

💡Weather Conditions: Extreme weather changes, particularly what happened this month of September and October, can influe...
25/10/2023

💡Weather Conditions:
Extreme weather changes, particularly what happened this month of September and October, can influence fertility rates. Heavy rainfall and temperature fluctuations may stress the birds. For example, if the mating season coincides with heavy rains, there could be behavioral changes in the chickens due to the excessive wet conditions.

23/10/2023

Case study 9:
(Using our reference, Boss Darren dahil consistent na mataas lagi ang hatching rate nya)
Take note:
Same incubators
Same breeding materials
Same breeding management

Total eggs:155
Fertile eggs:134
Fertility rate: 86%
Hatched eggs: 99
Hatching rate: 74%🤔

FINDINGS"
1. EB at Local banded breeders ang gamit sa breeding.
EB- approx. 11months up (dry and molting)
LOCAL- approx.10months up(dry?)
2. Consistent si Boss na mataas ang hatching rate in the past month using same breeders, dahil weekly naman sya nagdadala ng itlog samin.
3. Posibleng nagdeteriorate na ang mga breeders nya dahil na-reach na ang peak reproductive cycle nila.
4. Kung sa panlaban,meron ding tinatawag na peak ang mga manok kung saan sila nagpeperform ng maganda,
Sa breeding,we assume na posibleng may peak din kung saan nasa kundisyon silang mag-reproduce.
5.Ang mga buwan ng September at October kung saan nararanasan natin ang extreme weather conditions ay malaki ang stress sa manok. Pwedeng nakaapekto din ito.

💡Wala pong paraan para malaman natin kung Tunay na Fertile ang itlog pag kakaitlog pa lamang. Maliban na lang kung buksa...
20/10/2023

💡Wala pong paraan para malaman natin kung Tunay na Fertile ang itlog pag kakaitlog pa lamang. Maliban na lang kung buksan natin ang itlog kagaya ng nasa larawan.
Para po sa amin, ang tunay na Fertile eggs ay malalaman lang natin kapag may nabuong embryo at nakita natin sa pagsisinag o "candling". Hindi po sapat na pinagsama lamang ang tandang at inahin ay sasabihin mo ng FERTILED eggs ang itlog nila. Paano po kung baog ang mga breeders, or may hormonal imbalance, at iba pang dahilan? Kahit pa gaano karami ang iitlog nila, talagang wala pong FERTILIZATION na magaganap sa loob ng itlog at hinding-hindi po magkakaroon ng semilya.

Salamat pong muli sa inyong pagtitiwala. 🙏

💡Para sa iba pang katanungan, mag-PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 at kay Madtek Aces in FB.

HAPPY BREEDING MGA KASABONG

To our Dear Customers,ℹ️For Your information po:💡Pag sinabi pong ITLOG na walang semilya or PENOY, iyon po ay mga itlog ...
17/10/2023

To our Dear Customers,

ℹ️For Your information po:

💡Pag sinabi pong ITLOG na walang semilya or PENOY, iyon po ay mga itlog na wala talagang "embryo" na nabuo sa loob ng itlog o kung may nabuo man ay hindi nagtuloy at namatay din agad sa mga unang araw ng pagsasalang sa incubator or paglilimlim ng inahin dahil mahinang nilalang.😁
Hindi po ibig sabihin na pag magkasama ang broodcock at broodhen at nangitlog ang inahin, fertile eggs na agad ang ilalabas nilang itlog at may mabubuong "embryo" sa loob. Marami pong dahilan kung bakit hindi nagiging fertile ang itlog.
Scroll lang po kayo sa Jojo's Hatchery page na to para malaman ang dahilan at paano maiiwasan.

💡Kapag sinabing itlog na WALANG SEMILYA, kahit po gaano katagal pa limliman ng inahin yun,or kahit gaano kagaling ang incubator na pagsasalangan, wala po tayong mapapalabas na sisiw sa mga itlog na ganun. Sila po ay talagang ituturing na ITLOG NA WALANG SEMILYA at kung patuloy na ma-iincubate ay posibleng sumabog na lang na may mabahong amoy or BUGOK kung tawagin sa amin.

💡Kapag sinabi po natin na ang ITLOG AY MAY SEMILYA, ibig sabihin ay matagumpay na nagkaroon ng"fertilization" sa loob ng itlog dahil nakapasok ng maayos ang semilya na galing sa broodcock papunta sa itlog ng inahin. Kung tagumpay ang "fertilization process" na ito,meron pong mabubuong parang maliit na "embryo" sa loob ng itlog or FETUS kung sa tao.
Kapag ang itlog po natin ay nainitan lamang ng kaunti(up to 41degrees Celcius) sa pamamagitan ng paglimlim ng inahin or paglagay sa incubator, or kahit sa isang mainit na kwarto man lang, magsisimula na pong lumaki ang embryo na nasa loob ng itlog. Pero kung wala pong nangyaring FERTILIZATION, sa itlog, kahit pa po anong init ang gawin natin sa itlog, wala po tayong mapapapisang sisiw. Ito na po ang tatawagin nating"ITLOG NA WALANG SEMILYA".

💡Sa amin pong hatchery, sa ika-10 araw po kami nagsisinag or "candling" ng mga itlog na ipinasalang nyo para talagang nabuo or nag-develop na lahat ang malalakas na "embryo" sa loob ng itlog. Sa edad na ito ng itlog, masisigurado natin na wala tayong ma-identify na "false infertile" eggs. Yung mga itlog na walang semilya ay makikita po natin na CLEAR lang pag itinapat sa ilawan.Pag inilaga nyo po sila,wala po kayong makikitang sisiw sa loob. Dahil hindi nga po nagkaroon ng matagumapay na FERTILIZATION. Sa pagkakataon naman na may nabuong sisiw pero hindi nagtuloy,ibig sabihin lang po ay talagang mahina ang EMBRYO na yun.Kailangan po natin na isaalang-alang yung sinasabing NATURAL SELECTION at SURVIVAL OF THE FITTEST. Sahang naman po ang breeding natin kung magkakasisiw nga tayo e mahihina naman.😅

💡Ang Hatching Rate po na inirereport natin ay base sa napisang sisiw mula sa mga TUNAY NA FERTILE eggs.
Hatched chicks ÷ True Fertile eggs = Hatching Rate

💡Para sa iba pang katanungan, mag-PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 at kay Madtek Aces in FB.

HAPPY BREEDING MGA KASABONG

380 sisiw out of 422 fertile eggs para kay Boss Kratos GF!90% hatching rate po tayo!Salamat po sa inyong pagtitiwala😊Map...
17/10/2023

380 sisiw out of 422 fertile eggs para kay Boss Kratos GF!
90% hatching rate po tayo!

Salamat po sa inyong pagtitiwala😊

Mapa-backyard man or farm, konting itlog man or daan-daang itlog ang dalhin nyo samin, makasisigurado po kayo na VIP samin ang bawat itl🥚g nyo!

94% hatching rate na naman kay Boss Darren!Mukhang kailangan na natin tanungin si Boss kung anong sikreto nya dahil lagi...
16/10/2023

94% hatching rate na naman kay Boss Darren!

Mukhang kailangan na natin tanungin si Boss kung anong sikreto nya dahil laging mataas ang hatching rate nya!😁
"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @0951 011 5669 para magpa-schedule ng salang.

October 15...Official Early Bird Hatching has started... 🐣🐣🐣Let's Get Ready to R@mble!!!PM or tawag lang po kay Jojo Rob...
14/10/2023

October 15...
Official Early Bird Hatching has started... 🐣🐣🐣
Let's Get Ready to R@mble!!!

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @09510115669 para magpa-schedule ng salang.
"Sa Jojo's Hatchery , pasisiyapin namin ang mga itlog nyo!"

Mga Bossing,pwede na po ulit magdala ng itlog sa Jojo's Hatchery.PM or tawag na lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 ...
13/10/2023

Mga Bossing,pwede na po ulit magdala ng itlog sa Jojo's Hatchery.
PM or tawag na lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 para masigurado natin ang paglalagyan bago po kayo magpunta.
"Sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"

Salamat po sa inyong pagtitiwala.

Case study:Total eggs: 69May semilyang itlog: 29Fertility rate: 42%Dahilan bakit konti ang may semilyang itlog:1. Ang gi...
11/10/2023

Case study:
Total eggs: 69
May semilyang itlog: 29
Fertility rate: 42%
Dahilan bakit konti ang may semilyang itlog:
1. Ang ginamit na mga breeding stocks ay Early Birds na patuyo na balahibo. Ang iba ay nag-utay na bumagsak ang balahibo.
2. Itong mismong mga breeding materials na to ay may 71% fertility rate 2 weeks ago dun sa mga unang itlog nila.Pero dahil nga umeepekto na ang paglulugon sa reproduction,kaya sa bumaba na rin ang fertility rate nila.

***Update natin ang case study na to kung ilan ang mapipisa. In our previous observations, pag masyadong mababa ang Fertility rate, madalas naaapektohan din ang hatching rate sa mga fertile eggs.

148 sisiw out of 158 fertile eggs94% Hatching rate po tayo sa mga warriors ni Bossing😎"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiy...
09/10/2023

148 sisiw out of 158 fertile eggs
94% Hatching rate po tayo sa mga warriors ni Bossing😎
"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"
Salamat po sa inyong pagtitiwala.

10. Siguraduhing hindi baog ang mga Breeding materials. Hindi lahat ng healthy-looking breeders ay may kakayahan sa repr...
09/10/2023

10. Siguraduhing hindi baog ang mga Breeding materials. Hindi lahat ng healthy-looking breeders ay may kakayahan sa reproduction. Kagaya rin ng tao,merong tandang na konti lang ang bilang ng semilya, at posibleng meron ding walang buhay na semilya. Maging ang inahin ay nagkaka-hormone imbalance din, o kailangan din na nasa tamang " timing" para makabuo ng itlog na may semilya.

20 pcs available day old chicks on October 16.Rhode Island Red Chicks.PM or tawag lang po kay Jaypee Panaligan @ 0917 83...
05/10/2023

20 pcs available day old chicks on October 16.
Rhode Island Red Chicks.
PM or tawag lang po kay Jaypee Panaligan @ 0917 833 9121 if interested.
Salamat po.

98% Hatching rate for Boss Albeth Gamefarm121 sisiw out of 124 fertile eggsSalamat po sa patuloy na pagtitiwala.🙏PM or t...
02/10/2023

98% Hatching rate for Boss Albeth Gamefarm
121 sisiw out of 124 fertile eggs

Salamat po sa patuloy na pagtitiwala.🙏
PM or tawag lang po muna kay Jojo Robles bago kayo magpunta at talaga nga laang full-load pa po tayo sa ngayon.😅

Case study:Favorite pullet from a signature winning line:Total of 15 eggs collectedFertile eggs after candling: ZEROStat...
28/09/2023

Case study:
Favorite pullet from a signature winning line:
Total of 15 eggs collected
Fertile eggs after candling: ZERO

Status:
Kumpleto sa bakuna
Maganda ang priming
Daily ang pagpapakasta sa proven broodcock
Hindi nagkasakit
Perfect body conformation

Conclusion: Hindi lahat ng healthy-looking chickens ay magiging magandang breeders at kayang magsisiw. Kagaya rin ng tao,may mga unknown causes rin ng infertility that only actual experimentation can detect.

26/09/2023

Dahil malapit na po mag-FULL LOAD ang mga incubator units natin mga Boss this month of September,hindi na muna po kami tatanggap ng WALK-IN Customers sa Jojo's Hatchery.
PM or tawag po muna kayo kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 para may masigurado tayong paglalagyan.
Salamat po sa inyong pagtitiwala mga Boss🙏☺️

JOJO'S HATCHERY... Now LOCKING and LOADING for Early Bird Breeding Season... PM or tawag lang po kay Jojo Robles @095101...
23/09/2023

JOJO'S HATCHERY...
Now LOCKING and LOADING for Early Bird Breeding Season...

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @0951011669 para magpa-schedule ng pagpapapisa.

"Sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itl🥚g nyo!"

Disclaimer: For fun and educational purposes only.

Mga Bossing😉PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 para sa inyong mga katanungan.
23/09/2023

Mga Bossing😉

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 0951 011 5669 para sa inyong mga katanungan.

Hindi lang sa SOGO walang Brown-out.Sa Jojo's Hatchery, Wala din kaming Brown-out! 😁Kaya wag mag-alala. Siguradong sisiy...
23/09/2023

Hindi lang sa SOGO walang Brown-out.

Sa Jojo's Hatchery,
Wala din kaming Brown-out! 😁

Kaya wag mag-alala. Siguradong sisiyap ang mga itlog nyo!

Powered by: BLACKSTONE & OSHIMA Generators

PM or tawag lang po kay Jojo Robles @ 09510115669 para sa gustong magpapisa. Salamat mga Boss.

Paano nakakapasok ang mga mikrobyo sa itlog?Hindi dahil malinis ang outer shell ng itlog ay sigurado na tayong walang na...
23/09/2023

Paano nakakapasok ang mga mikrobyo sa itlog?

Hindi dahil malinis ang outer shell ng itlog ay sigurado na tayong walang nangyaring bacterial contamination.
Maaring makapasok sa loob ng mga tiny pores ng eggshell at egg membranes ang mga bacteria
sa tuwing nangyayari ang "temperature change" pag bagong labas pa lang ang itlog, at pag nalimliman ang itlog.
Kaya ugaliin nating panatilihing malinis ang mga itlog, ang pugaran o pinangingitlugan ng inahin, at ang chicken house mismo. Mas makabubuting itago sa ref ang mga bagong itlog habang hindi pa tuluyang nililimliman o inilalagay sa incubator para "consistent" ang temperature ng itlog.

22/09/2023

"Every egg is a universe of potential, and every breeder has the key to unlock it." 🌌🥚✨

"Sa Jojo's Hatchery,pasisiyapin namin ang mga itlog nyo!"

PM or tawag lang po kay Jojo Robles@ 0951 011 5669 sa inyong katanungan.

We've just completed preventive maintenance to ensure the best conditions for your eggs at Jojo's Hatchery. It's our pro...
22/09/2023

We've just completed preventive maintenance to ensure the best conditions for your eggs at Jojo's Hatchery. It's our promise to nurture each egg with care and precision.
"Basta sa Jojo's Hatchery, pasisiyapin namin ang mga itlog nyo!"
🥚✨

PM or tawag lang po kay Jojo Robles@ 0951 011 5669 para sa inyong mga katanungan.

Address

Cuenca

Telephone

+639510115669

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jojo's Hatchery Main posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category