28/06/2024
Mga Tips sa Pagpapakain ng Nagmo-Molt na Manok 🍲
1. Protein-Rich Diet:
Ang mga manok ay nangangailangan ng mataas na protina upang matulungan silang makabuo ng mga bagong balahibo. Magbigay ng feeds na may mataas na protein content tulad ng soybean meal o fish meal,or ready pellets.
Halimbawa: 20-22% protein content sa kanilang feeds.
2. Vitamins and Minerals:
Siguraduhing may sapat na supply ng bitamina at mineral. Ang Vitamin E, B complex, at Selenium ay mahalaga para sa kanilang kalusugan.
Halimbawa: Magbigay ng multivitamins supplements sa kanilang tubig o pagkain.
3. Calcium and Phosphorus:
Kahit hindi sila nangingitlog, kailangan pa rin nila ng calcium at phosphorus para sa kanilang buto at balahibo.
Halimbawa: Calcium supplements, crushed oyster shells o limestone na halo sa kanilang feeds.
4. Fresh Greens:
Magbigay ng sariwang gulay at damo para sa karagdagang nutrisyon at pampagana.
Halimbawa: Mga dahon ng malunggay, kangkong, o alugbati.
5. Clean Water:
Siguraduhing palaging may malinis na tubig na maiinom ang mga manok.
Halimbawa: Palitan ang tubig araw-araw upang maiwasan ang kontaminasyon.
Tandaan, ang tamang pagpapakain ay makakatulong sa mas mabilis at maayos na pag-molt ng inyong mga manok. 🐔💪
Abangan ang ating susunod na post tungkol sa pag-aalaga ng molting chickens!