26/04/2022
April 27, 2021 noong nagsimula kaming magrabbit,bumili kami ng isang pares na new zealand ang breed at pinangalanan nmin Bugz(buck/male) Bunnee(doe/female),hindi ko lubos maisip ang kakaibang aliw na bininigay nila samin habang tumutagal, kaya pagkalipas lang ng isang buwan napagdecisyonan nmin dagdagan ng isang buck si Calee isang californian breed sa pag aalaga nmin ng rabbit para kaming nag aaral dahil kelangan nmin malaman yung pwede at hindi pwede sa kanila,yung sukat ng ipapakaing feeds para d sila mabloated,yung mga damo na pwedeng ipakain,yung tamang pagbigay ng vitamins.pagkalipas ng dalawang buwan naisipan kong bumili ng isang breeder doe(buntis)si Dalla sa kagustuhan kong maparami agad sila pagkalipas ng isang buwan hindi siya nanganak kaya brineed ko siya uli sa isa kong buck,nag antay kami at hindi rin uli nanganak tapos sabay namatayan ako ng isang rabbit c bunnee nakakalungkot nun, brineed ko uli c dalla sa pangatlong pagkakataon d sya nagpakita ng senyales na buntis sya, gusto kona sila sukuan nun,pumasok sa isip ko na ipamigay nalang yata sila o d kaya ibenta,gusto ko pang ipalit si dalla sa pinagkuhanan ko nun kasi bakit 3 beses syang false pregnancy,isang araw pinost ko c dalla at ibenta ko nlang,nagkadeal kami nung bibili pero d pumayag yung kasama ko,sinabihan nya ko na hindi ako magtatagumpay kung susuko ako agad,sinubukan ko uli magsimula bumili ako ulit ako ng isang doe si mega..brineed ko uli c dalla at kinausap ko na kahit isang anak lang maproduce nya ok na skin,isang gabi pag uwi nmin nagulat kami at nanganak c dalla hindi lang isa pero d nmin mabilang dahil tinakpan nya ng balahibo tpos brown out pa d nmin alam gagawin nmin dahil first time yun,kaya chinat ko yung isang breeder na nagbilhan ko para magtanong s kanya. si rsa sya ang gumabay sa amin. Mas nadagdagan pa yung saya nmin nung nanganak c dalla(9kits).sumunod nanganak din si mega(9).nung marami na sila naisipan ko narin magbenta ng mga kits ,naranasan ko narin na binarat nila ang mga benta kong rabbit dahil sa pagkakaalam siguro nilang madali lang mag alaga at tipid dahil damo lang pinapakain. Pero hindi po madali, mahirap dahil sa pagkumpay palang nang damo masusugatan ka, makakatihan pa yung katawan mo.kung dati ako yung ginagabayan ng mga naunang breeder noon ngayon ako nman na gumagabay sa mga nagsisimulang magrabbit na ngayon sinasabi ko sa kanila lahat ng mga natutunan ko.mag iisang taon narin po ang aming rabbitan at maraming maraming salamat po sa patuloy na nagtitiwala sa BugzBunny Rabbitry.