Furbabies Vet Care

Furbabies Vet Care Affordable veterinary home services by a Licensed Veterinarian in Lipa City and nearby places. For i
(3)

17/06/2023
12/05/2023

Madali nyo nang maisasama ang mga furbabies ninyo sa inyong mga lokal na byahe o bakasyon! Sundan lamang ninyo ang 3 easy steps na ito upang maka-secure ng local shipping permit para sa inyong a*o at pusa. 🐶🐱

Para sa mas detalyeng impormasyon, click nyo lang ang link na ito: bit.ly/procedure-dogcat

Need to ask something to your Vet? Worry no more, we got you! Message for more details.
20/04/2023

Need to ask something to your Vet? Worry no more, we got you!

Message for more details.

06/03/2023

Yearly booster shot done!
Thank you for trusting Furbabies Vet Care since 2021, Maam! 💕

Take care Fur-babies and Fur-parents!

27/01/2023

Mayroon ka bang alagang a*o?

Abangan ang , dokumentaryo ni Kara David sa ngayong Sabado, 10:30 PM sa GMA!

19/02/2022
Bukod sa 5in1, 6in1 at Antirabies Vaccines, meron rin tayong Kennel Cough Vaccine.Nakakatulong ang bakunang ito na mapre...
09/02/2022

Bukod sa 5in1, 6in1 at Antirabies Vaccines, meron rin tayong Kennel Cough Vaccine.

Nakakatulong ang bakunang ito na maprevent ang Kennel Cough na kadalasang sanhi ng bacteria na Bordetella.

To know more ask your veterinarian. 🐶

03/02/2022
Thank you to our dear clients 💕
29/01/2022

Thank you to our dear clients 💕

Planning to have a pet soon? Having a pet involves a lifetime commitment to provide and care for a pet.You should be cer...
20/09/2021

Planning to have a pet soon?

Having a pet involves a lifetime commitment to provide and care for a pet.
You should be certain that you can make this commitment for the pat’s entire lifetime.



Happy Tuesday! Thank you to our dear clients! ❤️
24/08/2021

Happy Tuesday!

Thank you to our dear clients! ❤️

❗️❗️❗️FOR SALE❗️❗️❗️Importline Husky Dob: February 16 2021 1x Vaccine and 1vaccine upon release 3x Deworm With Vet card ...
11/04/2021

❗️❗️❗️FOR SALE❗️❗️❗️

Importline Husky
Dob: February 16 2021

1x Vaccine and 1vaccine upon release
3x Deworm With Vet card
Pcci on process

Kindly PM Sir Jonell - 09972080503

24/03/2021

Rabies is a fatal virus that is usually transmitted when an infected animal bites another.

Understanding and identifying rabies is a must to pet owners. If your dog is bitten by another animal and you’re worried about rabies, pay close attention to their behavior, check these signs and symptoms and immediately call for professional help. 🩺

Remember, there is NO TREATMENT for dog with rabies. Vaccination is the cornerstone of rabies prevention.



20/03/2021

The Vets are our partner in making sure that our pets are in good health and shape. 🐱🐶

Why is it important to have regular appointments with our veterinary friends? 🩺



19/03/2021

CHANGING NEEDLES

Whenever we vaccinate your pets, we make sure that we change the needle after aspirating the vaccine from the vial/s. A new needle is placed before injecting it to your pet skin so it will be sharp and less painful.

We only want the best for your pets. 😉


Ngayong Marso ay Rabies Awareness Month. Naglalayon ang awareness na ito na magbigay kaalaman kung paano ang pag-iwas, p...
17/03/2021

Ngayong Marso ay Rabies Awareness Month. Naglalayon ang awareness na ito na magbigay kaalaman kung paano ang pag-iwas, pagkontrol, at pamamahala sa rabies.

Ang RABIES ay isang viral disease na nakakaapekto sa central nervous system ng isang tao o hayop. Maaaring magkaroon nito kapag nakagat, nakalmot, o nalawayan ng isang hayop na mayroong rabies. Madalas itong nanggagaling sa mga hayop na warm-blooded tulad ng mga a*o, pusa, paniki, unggoy, at ibon. Isa sa pinakamadalas na ka*o ng rabies ay nagmumula sa pagkakagat ng a*o.

Kung ikaw ay nakagat o nakalmot ng isang hayop na pwedeng pagmulan ng rabies, magtungo kaagad sa pinakamalapit na ospital, upang maiwasan ang mga dala nitong komplikasyon. Ang rabies ay maaaring magresulta sa lagnat, pananakit ng ulo, deliryo, at mauwi sa pagkamatay.

Nararapat din na maging responsableng pet owner upang maiwasan ang anumang problema na maidudulot ng inyong alaga tulad ng rabies. Ugaliing nakatali o malayo sa ibang tao upang hindi makakagat, at pabakunahan sila ng anti-rabies vaccine.

12/03/2021

Vet advisory: Have your vaccinated not just rabies all vaccines if you could provide for you pets just to prevent for your pets for acquiring deadly diseses these apply not only with pedigreed animals but also to ASPINS AND PUSPINS as well for the vaccination program just consult your nearest vet for their schedules.

Not advisable to self vaccinate dahil sa dami ng patients acquired virses and other health issue due to improper use of vaccines as well. A simple advice but it would save your pet for a long time🙂🙂🙂

Ctto

11/03/2021

Magastos magpabakuna. Pero higit na mas magastos magpagamot ng mga sakit na maaari sanang napigilan ng bakuna.

Vaccinations are expensive. But treating the erstwhile preventable diseases cost way more.

DISCLAIMER: Actual prices may vary depending on the area and the vet's discretion.

05/03/2021

Were you aware of these common household dangers? Keep your pet safe with our handy checklist.

Find out what else is toxic to our pets, as well as signs and symptoms, and what to do should they eat something poisonous > https://hubs.la/H0Hm6DL0

03/03/2021

Rabies is still a public health concern in the Philippines causing 200-300 deaths of Filipinos each year. PVMA joins the government’s call in eradicating rabies in the Philippines.

Vaccinate your pets against Rabies! 💉💉💉Prevention is better than cure!
29/01/2021

Vaccinate your pets against Rabies! 💉💉💉

Prevention is better than cure!

Do not give IVERMECTIN without consulting your Vets.
29/01/2021

Do not give IVERMECTIN without consulting your Vets.

Topic: IVERMECTIN TOXICITY

Our apologies for the rather ‘low energy’ posts recently. Your social media post manager (aka doc Lour haha) has been a bit drained since last week and have been conserving their energy for the patients. ✌🏼

But on this morning please allow us to share with you all and remind that IVERMECTIN TOXICOSIS is real.
Please please please avoid depending on Ivermectin as treatment against ticks, fleas, and mange - especially with improper dosages.

While yes, ivermectin is an approved therapeutic drug used in animals. And yes, it can treat certain confirmed problems.

But NO, we do not just administer and prescribe this to each and every patient. The patient needs to be weighed properly and assessed if this drug is indeed the best choice for the problem. There are already much safer drug options in the veterinary medical field.

💔 We are feeling a bit strongly about this at the moment because a small breed dog has recently been brought to our clinic and was apparently given a significant amount of injectable Ivermectin. Twice.

Upon arrival, the patient was already hypothermic (low body temperature) and with neurological signs.

⚠️ FYI, there is no specific antidote for Ivermectin toxicosis. Only symptomatic treatment and support can be done once absorption has occurred.

With this we ask you to please spread the word, and you may just save a life.

PS: The patient has been referred to another clinic with confinement services while we look forward to updates, and hope he is fighting well 🙏🏼 The photo here is his hemolysed blood sample.

Wishing you and your furbabies 12 months of success, 52 weeks of laughter, 365 days of fun, 8,760 hours of joy, 525,600 ...
31/12/2020

Wishing you and your furbabies 12 months of success, 52 weeks of laughter, 365 days of fun, 8,760 hours of joy, 525,600 minutes of good luck, and 31,536,000 seconds of happiness.

Furbabies Vet Care would like to thank awesome customers like you for your amazing support! Hope to work with you again in the future.

Happy new year 2021!

25/11/2020
Philippine Veterinary Medicine Act of 2004, Republic Act No. 9268Sec. 30. Unlawful Practice of Veterinary Medicine. - It...
06/11/2020

Philippine Veterinary Medicine Act of 2004, Republic Act No. 9268

Sec. 30. Unlawful Practice of Veterinary Medicine. - It shall be unlawful for any person to practice veterinary medicine and any of its allied branches, including veterinary dentistry, without a valid and existing Certificate of Registration and Professional Identification Card issued by the Board of Veterinary Medicine and the Commission.

To all the vetmed students and veterinarians who corrected me , THANK YOU SO MUCH MO PO 😭 THIS LESSON WILL BE KEPT FOREVER. ❤️ Ps: hindi po monetized and akin...

02/11/2020
31/10/2020
20/10/2020
Kapag diarrhea, Parvo agad? For additional info sa mga furparents at kung bakit mahirap basta magreseta without laborato...
13/10/2020

Kapag diarrhea, Parvo agad?

For additional info sa mga furparents at kung bakit mahirap basta magreseta without laboratories.

I made this video to give information among pet owner why their dog has diarrhea and what to do.

Vaccinate your furbabies againts Rabies! 💉🐶🐱
22/09/2020

Vaccinate your furbabies againts Rabies! 💉🐶🐱

𝐅𝐀𝐐𝐬 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒:

(Ito ang pinakamahabang post ng taon 🤣😅, basahin ng mabuti)

Ang Rabies ang pinakakilalang sakit ng a*o sa Pilipinas. Bagamat alam natin na ito ay delikado at nakamamatay, marami pa ring a*o sa Pilipinas ang hindi nababakunahan laban dito. Dahil dito, taon taon ay nakapagtatala ng humigit kumulang 300 ka*o ng human rabies sa Pilipinas. Hindi dapat ito nangyayari kung ang lahat ng a*o (lalo na ang mga stray dogs) ay mababakunahan, may maayos at ligtas na tirahan, at rehistrado. Layunin ng bansa na maging Rabies-free ang Pilipinas pagdating ng 2022, samantalang target na mawala ang sakit na ito sa buong mundo pagdating ng 2030.

Isa sa pinakamahahalagang hakbang ay ang pagbabahagi ng tamang kaalaman tungkol sa sakit na ito. Narito ang ilan sa mga karaniwang tanong tungkol sa Rabies:

𝟏. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐮𝐤𝐮𝐡𝐚?
- Ang Rabies ay isang zoonotic na sakit (sakit mula sa hayop na napupunta sa tao) na nagdudulot ng acute encephalitis. Ito ay walang lunas at nakamamatay kapag nakitaan na ng sintomas ang biktima. Ito ay sanhi ng isang virus na naipapasa sa pamamagitan kagat, kalmot, or pagdikit ng sugat sa laway ng infected na a*o o pusa.

𝟐. 𝐀𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐨 𝐩𝐮𝐬𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬?
- ang Rabies virus ay hindi natural o inborn sa a*o o pusa. Gaya sa tao, sila ay nahahawa lang din kapag sila ay nakagat ng infected na hayop.

𝟑. 𝐎𝐛𝐥𝐢𝐠𝐚𝐝𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐢-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐚? 𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚?
-Opo, ito ay alinsunod sa Republic Act 9482 (Anti-Rabies Act of 2007). May katapat na multa ang paglabag dito. Maari nyo pong dalhin ang inyong alaga sa mga municipal/city veterinary office o sa mga pribadong veterinary clinic para sa bakuna.

𝟒. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐚?
- Maari na silang bakunahan pagdating nila ng 12 weeks old pataas. Kailangan ulitin ang pagbabakuna kada taon.

𝟓. 𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐚 𝐨 𝐭𝐮𝐭𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨?
- Hindi po. Pare-pareho lang po ang virulence o tapang ng rabies virus sa kahit anong hayop (mammals). Ang bilis ng pagkalat ng virus ay nakadepende sa laki at dami ng sugat, parte ng katawan na nakagat, dami ng rabies virus na nakapa*ok sa katawan, kung nagpapakita na ng sintomas ng rabies ang a*o bago ito mangagat, at immune status ng biktima ang ilan sa mga factors na nakapagpapataas ng chance na mag-develop ang rabies sa biktima.

𝟔. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨?
✓ Hugasan agad ng mabuti ang sugat o kalmot gamit ang sabon at running water sa loob ng 15 minuto, upang matiyak na matatanggal ang laway ng a*o.
✓Maglagay ng iodine, 15 minuto pagkatapos na hugasan ang sugat.
✓Dalhin kaagad ang nakagat na tao sa animal bite center at kumonsulta sa physician.

𝟕. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐚𝐬𝐨?
✓ Gawin ang steps sa no. 6 ngunit dalhin naman agad sa pinakamalapit na vet clinic
✓ Kung hindi bakunado, ikulong hangga’t maari para maobserbahan sa loob ng 14 days at maiwasang makakagat naman ng ibang a*o o tao. Huwag papatayin. Pabakunahan ito kung ito ay magiging masigla pagkatapos ng observation period.

𝟖. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭?
✓ Kung malalaman kung sino ang a*ong nakakagat, dapat itong ikulong at obserbahan sa loob ng 14 days. Mag-ingat sa pagbibigay ng tubig at pagkain para maiwasan na makakagat ulit. Huwag agad papatayin. Kumunsulta sa beterinaryo.

𝟗. 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐰𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐚𝐠𝐚𝐭?
- Hindi po. Ang sakit na ito ay maaring magpakita ng iba’t ibang sintomas. Karaniwan nagiging agresibo sila (furious form), ang iba ay hindi makagalaw, hirap uminom at matamlay (paralytic).

𝟏𝟎. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐠𝐚𝐭?
-Hindi dapat agad patayin ang hayop para maobserbahan kung magpapakita itong senyales na may rabies ito. Ito ang magiging batayan kung kakailanganin ng isang tao kumpletuhin ang post- exposure prophylaxis (PEP). Kung patayin agad ang hayop, kailangan matiyak na makukumpleto ang PEP.

𝟏𝟏. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐝𝐨𝐤?
- Hindi rekomendado ang pagpapatandok sa nakagat ng a*o. Una, hindi sa dugo kumakalat ang rabies virus kundi sa nerves (kaya kahit na mapadugo pa ang sugat ay walang kasiguraduhan na hindi nakapa*ok ang virus). Pangalawa, maaring makadagdag ito sa infection. Pangatlo, kadalasan ay nagiging kampante na ang taong nakapagpa-tandok at hindi na kumukunsulta sa physician na maaring magpa-delay sa post-exposure prophylaxis o pagbibigay ng bakuna/immunoglobulin.

𝟏𝟐. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢-𝐝𝐞𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐭-𝐞𝐱𝐩𝐨𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐡𝐲𝐥𝐚𝐱𝐢𝐬 (𝐏𝐄𝐏) 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐬𝐨?
- Hindi ito rekomendado. Dahil kailangan maagapan ang posibilidad na pag-abot ng virus sa utak ng tao. Maaring lumabas ang sintomas pagdating ng 3-5 araw pagkatapos makagat ng rabid dog. Ang ilan naman ay maaring magtagal ng linggo hanggang buwan bago lumabas ang sintomas. Kapag nakaabot na sa utak ay wala ng lunas at ikamamatay na ito ng biktima, kaya kinakailangan kumonsulta sa physician habang inoobserbahan ang a*o.

𝟏𝟑. 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬?
- Kinakailangan pa rin pong ikonsulta ito sa physician. Kung may maayos na dokumento nagpapatunay sa pagbakuna sa a*o, “provoked” o aksidente ang pagkakagat dahil naglalaro, sariling alaga ang a*ong nakakagat at hindi pagala-gala sa kalye, at kung ito ay walang open wound ay maaring magdesisyon ang physician na huwag magbakuna. Pero physician ang dapat sundin dito, hindi ang beterinaryo. Sa Pilipinas na kadalasan ang mga a*ong nakakagat ay pagala-gala o ang a*o ay walang maayos na bakuna at vaccination record, kinakailangan mabigyan ng PEP ang biktima.

𝟏𝟒. 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐭𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨, 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧?
- Ipaalam sa beterinaryo (city or municipal vet hanggat maari) kung nagkaroon ng pagbabago sa ugali, ayaw kumain, matamlay, at naging agresibo ang a*o, para sila ang gumawa ng euthanasia kung kinakailangan. Kung sakali na biglang namatay ang a*o, pugutan ito ng ulo (pinakamabuti kung may beterinaryo pero kung wala ay mag-ingat). Magsuot ng gloves, salamin at mask para hindi matalsikan ng laway sa mukha. ilagay ito sa ice box na puno ng yelo para di agad malusaw ang utak. Dapat itong maibyahe sa loob ng 8 oras pagkatapos mamatay. Kung sakali na di agad maidadala sa laboratoryo, ibalot ito ng mabuti sa plastic at ilagay sa freezer. Dalhin ang sample sa RITM, BAI-ADDL, at regional rabies diagnostic laboratories.

𝟏𝟓. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨?
- Una, May ilang ulat na namatay pagkatapos kumain ng a*o. Hindi man direkta sa laman ng a*o ito nakuha, ngunit maari itong nakuha mula sa laway o utak ng infected na a*o. Pangalawa, labag ito sa RA 9482 at may kaukulang multa at pagkakulong.

𝟏𝟔. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐠𝐚, 𝐫𝐚𝐛𝐛𝐢𝐭 𝐨 𝐡𝐚𝐦𝐬𝐭𝐞𝐫?
-Hindi po kailangan dahil wala pang naitatalang ka*o mula sa nakagat ng rodents. Ngunit maari pa ring kumonsulta sa physician para sa anti-tetanus at gamot sa sugat.

𝟏𝟕. 𝐌𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐨 𝐭𝐚𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐧𝐚𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐢-𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚?
- Hindi po.

𝟏𝟖. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧?
- Maaring ang a*o po ay hindi talaga completely healthy. maari na may iniinda na itong ibang sakit na lalong lumala dahil sa challenge ng bakuna. Kaya po dapat ay masiguro na healthy ang inyong alaga bago pabakunahan.

𝟏𝟗. 𝐍𝐚𝐢𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐭𝐚𝐨?
- ito ay rare case gaya ng organ transplant mula sa infected na tao. Hindi ito kadalasan nangyayari dahil walang “instinct” ang tao na mangagat. Pero kinakailangan na ma-isolate ang biktima upang iwasan ang paghalik, paghawak at pagtalsik ng kanilang laway sa mata o sugat ng ibang tao.

𝟐𝟎. 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚?
- Mataas ang chance na makagat ang bata (4 out of 10 deaths) dahil hindi nila alam paano makaiwas sa kagat ng a*o. Kadalasan ay na po-provoke nila ang a*o dahil sa kanilang paglalaro. Kapag di rin nababantayan ang bata, maari silang makalabas ng bahay at malapitan at makagat ng rabid na a*o. Kaya kinakailangan ituro sa mga bata ang tamang pag-aalaga ng hayop at panatilihing ligtas at may gabay kung maglalaro sa labas ng bakuran.

𝟐𝟏. 𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐬𝐭𝐨𝐬 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨?
- Ayon sa batas (RA 9482), responsibilidad ng owner ng a*ong nangagat ang gastusin sa pagpapagamot sa biktima. Kung tumanggi ang owner na tumulong, maaring makipag-ugnayan sa barangay o police para mamagitan.

Tandaan: Ang Rabies ay nakamamatay ngunit kayang maiwasan kung ang mga a*o o pusa ay mababakunahan at magiging responsible owner ang bawat Pilipinong may alagang a*o o pusa.

PS. Hindi dahil nabigyan mo ng tubig at pagkain ang a*o ay responsible owner ka na. Dapat ay mabigyan mo sya ng mga bakuna na kailangan nya, malinis at ligtas na tirahan, huwag hahayaang pagala-gala sa labas ng bahay, at ipagamot kapag may sakit.

Mag-like at share sa aming page para sa karagdagang kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga at mga sakit ng inyong alagang a*o at pusa.

Para sa karagdagang kaalaman maaring basahin ang mga info sheets at references sa links na ito:

https://www.who.int/rabies/Rabies_General_Public_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
https://www.who.int/rabies/Rabies_Clinicians_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2007/ra_9482_2007.html
http://www.philahis.ahwd.ph/GIS_Maps/RabOutM
https://rabiesalliance.org/resource/lessons-learned-philippines
https://rabiesalliance.org/resource/rabies-information-flipchart-teaching-guide
• Amparo, A. C. B., Mendoza, E. C. B., Licuan, D. A., Valenzuela, L. M., Madalipay, J. D., Jayme, S. I., & Taylor, L. H. (2019). Impact of Integrating Rabies Education Into the Curriculum of Public Elementary Schools in Ilocos Norte, Philippines on Rabies Knowledge, and Animal Bite Incidence. Frontiers in Public Health, 7.doi:10.3389/fpubh.2019.00119

A successful story ✨Humingi ng tulong ang may-ari tungkol sa problema sa balat ng kaniyang mga alagang a*o. Makalipas an...
13/09/2020

A successful story ✨

Humingi ng tulong ang may-ari tungkol sa problema sa balat ng kaniyang mga alagang a*o. Makalipas ang ilang linggo ng gamutan, heto na sila ngayon. Hindi lang balat nila ang gumanda, maging ang kanilang pangangatawan at mas naging masigla na ayon sa may-ari.

A friendly reminder, don’t self medicate your furbabies. Seek for professional help. Ask your veterinarian.

Vitamins, Dewormers and Medicines are now available 🐶😺
10/09/2020

Vitamins, Dewormers and Medicines are now available 🐶😺

Hello mga ka-furparents! Upang mas maliwanagan kayo kung ano ba ang iba’t-ibang uri ng bakuna, narito ang isang table ku...
07/09/2020

Hello mga ka-furparents!

Upang mas maliwanagan kayo kung ano ba ang iba’t-ibang uri ng bakuna, narito ang isang table kung ano ang laman ng bawat bakuna.

Ang “vaccine protocol” ay pwedeng magbago depende sa inyong Veterinarian.

Tandaan na nakasaad sa batas na tanging mga Beterinaryo lamang ang dapat nagbabakuna sa inyong mga furbabies.

Para sa mga katanungan, imessage lamang ang aming page.

Alagang Furbabies Vet Care! ❤️🐶Don’t forget to vaccinate your furbabies also. For appointment and inquiries, message us ...
02/09/2020

Alagang Furbabies Vet Care! ❤️🐶

Don’t forget to vaccinate your furbabies also. For appointment and inquiries, message us or contact: 09059428089.

Prevention is better than cure, Furparent! Don’t forget to vaccinate your furbabies with your trusted Veterinarian 🐶😺
01/09/2020

Prevention is better than cure, Furparent! Don’t forget to vaccinate your furbabies with your trusted Veterinarian 🐶😺

Ang International Dog Day o Dog Appreciation Day ay ang araw para iparamdam natin sa mga alaga nating a*o ang ating pasa...
26/08/2020

Ang International Dog Day o Dog Appreciation Day ay ang araw para iparamdam natin sa mga alaga nating a*o ang ating pasasalamat at pagmamahal sa kanila.

Pero alam niyo ba na ang pinakalayunin ng araw na ito ay upang itaas ang kamalayan tungkol sa mga a*o na ngayon ay nasa mga rescue center at hinihikayat ang pag-ampon sa mga ito. Ang International Dog Day din ay nagtatampok din sa kalupitan sa mga hayop sa ating lipunan.

Subukan nating gawin ang mundo na isang mas mahusay na lugar para sa mga a*o na mabuhay ng maligaya.

A friendly reminder from us, always be a responsible Fur-parent to your Furbabies!

Address

Sto Nino Villa De Lipa II, Sabang
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Furbabies Vet Care posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category


Other Veterinarians in Lipa City

Show All