28/07/2023
Usaping Prepotency
Tanong :"Ano ang Prepotent or Prepotency?"
Sagot :" Prepotentency ay ang kakayahan ng broodstock na ipamana sa kanyang mga magiging anak ang kanyang mga natatanging characteristic, maganda man or masama"
Tanong :" Bakit Mahalaga na Prepotent ang ating materyales sa pag papalahi "
Sagot: "Hindi kasi sapat na magaling, malakas, mainam sa panalo, gwapo, maluwag ang silong, 10 times derby winners etc etc etc ang isang tandang na gagawing broodc**k kung hindi nya ito maipapamana sa kanyang mga magiging anak, at ito ay nangyayari lalo na kung ang gagamiting nating materyales sa pag papalahi ay yung tinatawag na battlecross ( may 3 or higit pang linyadang nanalaytay ), mainam sa panalo, magaling, matikas, gwapo at halos lahat ng katangian ng isang magandang manok ay nasa kanya, pero bkit pag nilahi ntin ay halos kabaliktaran ang lumalabas?"
Tanong : "Eh bakit nga nangyayari yun?, kainam na panabong, halos hindi masugatan sa laban, nung nilahi , halos kabaliktaran ang kinalabasan ng mga anak?"
Sagot : "Ito sa kadahilanang ang kanyang mga magulang ang totoong Prepotent, nasa kanilang mga genes na nag "NICKED" kaya nakapag palabas tyo napakainam na manok panabong, at para makapag produce tyo uli ng ganun klaseng manok, kailangan natin pag parisin uli ang ina at ama ng manok na nasasaad, at hindi ang finish product na ang gagamitin natin sa pag papalahi "
Tanong : "Meron bang manok na Prepotent"
Sagot : "Meron, ito yung mga tinatawag nating straight breed or mga Intensely Inbreed Gamefowl (F5 pataas), ito yung mga manok na kayang mag bato ng katangian taglay ng isang linyada dahil halos na wala or kakaunti nalang ang ibang katangiang taglay niya mula sa ibang linyada..
Halimbawa, sa manukan mo, ang iyong mga palahi ay nag rurupukan dahil sa hindi maaayos na record keeping and handling sa pag papalahi, at kinakailangan mo ng isang linyada na mag bibigay uli ng Gameness and Power sa iyong mga production, hahanap ka ng Certified Hatch na linyada, dahil kung Certified na hatch ang iinfuse mo sa mga palahi mo, makakasiguro na ang ibabato nitng katangian ay power and gameness, dahil yan ang numero unong katangian ng isang Hatch Gamefowl...
kung kailangan mo naman ng Cutting, maganda na mag hanap tayo ng Certified Black Gamefowl na iinfuse natin sa ating manukan, dahil ang mga Black Fowl ay kilala sa kanilang cutting ability.
Kung ang palahi naman natin ay kulang sa sukat or taas, maganda na mag infuse tayo ng Roundhead or Sweaters sa ating mga palahi, dahil kilala ang dalawang linyada sa istasyong taglay nito..
Kung may mga katanungan pala kayo mga kasama na hindi natalakay sa monologue ko🤣🤣 , maaari nyo itong itanong as comment, sisikapin pong sagutin nila
sa abot ng aming makakaya.
pix just to call attention
and please comment "UP" para mas maraming maka basa, salamat
Comments