06/12/2024
Hello po sir.
Nakikiramay po kami sa pagkamatay ng inyong alaga. Hindi po namin pasyente ang inyong alaga. Gayunpaman, nakikisimpatya po kami. Nag post po kayo dito sa page namin kayat kami ay sasagot. Pero may mas tama po sigurong sagot ang Sampaloc branch kung ikontak niyo po sila sa spesipikong sagot.
May mga katanungan lang po kami para mas maintindihan ninyo. Ito ay mga sumusunod.
1. Nagpunta po kayo sa Sampaloc branch para sa kapakanan ng inyong alaga, hindi po ba?
2. Nagpirma po kayo ng konsent na ito ay gamutin?
3. Nalaman po ang sakit at naexplain naman po ba ito?
4. Ito po bang nasa bill ay ginawa po? Ano po ba ang hindi kayo nasiyahan sa bill? May binill po ba na hindi tama?
5. Yung mga gamot, nireseta po, nabuksan na po ba ito? Nagamit niyo po ba ito kahit minsan?
6. Namatay po ang alaga ninyo (condolence po). Namatay po ito dahil sa sakit nito, tama po. Namatay po ba dahil hindi nabigyan ng mga gamot? Or dahil sa kalagayan nito? Na kahit ginawa, binigay ng klinik lahat ay sadly, hindi na kinaya ng katawan niya?
Ngayon po:
1. Pag pumunta kayo sa ospital po ng tao at namatay ang pasyente kahit walang isang araw, diba po babayaran pa din ninyo ang bill kahit gaano ito kalaki? Sa alaga ninyo, bakit po kayo nagrereklamo sa bill na alam niyo naman na ginawa or ginamit? Malaki o maliit man yan, kung ito ay para sa alaga ninyo para iligtas, bakit po kayo nagrereklamo?
2. Bakit niyo po po sinasabi na prinioritize ang financial. Ang mga ginawa, mga gamot, etc ay may puhunan po ito. Hindi ba chineck up yung alaga ninyo kung walang bayad? Pinagbayad po ba kayo bago galawin ang alaga ninyo? Diba po inexplain nila? At sinabi ang mga magiging bill. Diba tinanong ninyo kung magkano ang magpa confine, mag ganito, or ganyan? Hindi po ba?
3. Genuine concern? Itong mga gamot po, itong mga test na ito. Ito ay palatandaan na may genuine concern sila sa alaga ninyo. Kasi sinigurado nila na tama ang ginagamot at may tamang gamot para sa alaga ninyo.
4. Paano po yung compassionate? Hindi po ba compassionate? Hindi po ba sila nakiramay? Ano po bang ibig ninyong sabihin na hindi compassionate.
Ngayon po. Sa iba naman pong nagcomment.
1. Unfortunately, may time po ang mga clinic. Hindi po sila 24 hours. May specific rules po.
2. Sinabi po ba nila na 100 percent gagaling ang alaga ninyo basta ibigay ang mga gamot? Nagbenta po ba sila ng hindi naman kailangan ng pasyente?
Wala pong doctor ang magsasabi na gagaling ang pasyente basta bumili at ibigay ang mga gamot. Lalo na po at bayrus ang sakit ng alaga ninyo.
3. Nasa 4,000 (hindi 5,000) po itong mga gamot po niya. Ito po ba ay pinilit na pinabili sa inyo. Kayo po ang pumili kung bibilhin ninyo ito tama po? Ito lamang ang mga nireseta, tama po ba?
Ngayon po, namatay ang pasyente kahit may mga gamot or kahit naconfine. Condolence po ulit. Sigurado po ako, nakikiramay din po sila sa into. Lahat po ng mga doctor, walang hangad kundi maging mabuti ang mga pasyente nila. May mga pagkakataon po kasi na kahit binigay ang mga gamot, mura man o mahal, may mga namamatay pa din po. Hindi po Diyos ang mga doktor po.
Nagpopost po kayo dahil hindi kayo masaya sa binyaran ninyo? Ano pong gusto ninyo? Hindi niyo po ba naiisip na ginawa ninyo at nagsacrifice para mailigtas ang kapamilya ninyo? Pero sabi nga po, hindi po lahat ay maililigtas.
Sa isa pong nagkomento, pasensya na po. Okay lang naman po ang makisimpatya sa mga nagpost. Pero think before you click po. Huwag po tayong maging experto kung hindi natin alam masyado. Para po sa inyong kaalaman, ang metronidazole at cotrimazole ay antibiotics po mga ito.
Again po, nakikiramay po kami sa pagkamatay ng inyong alaga. Naiintindihan po namin ang inyong nararamdaman. Mahirap pong mawalan ng alaga. Mapapalitan po ang gastos pero hindi ang buhay ng kapamilya. Maraming salamat po at ginawa ninyo ang lahat para itry ninyong isave ang buhay ng alaga ninyo.