29/09/2017
Pasikat na ang araw. Di niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Inuunahan siya ng kanyang kaba, dahil sa araw na iyon magbubuwis na siya ng kanyang dugo at pawis. Pero di niya alintana iyon sapagkat may mga kasama siya, kasama sa hirap at sakit. Nagsimula na, alas sais ng umaga. Jogging ng apat ng oras. Uhaw na uhaw na ang mga labi tuyong tuyo na ang mga lamunan. Pero hindi dapat sumuko para sa laban ng bawat isa. Labing isa naging walo dahil iniwan ng tatlo pero di parin sumuko. Tuloy tuloy ang laban niya, sa susunod na istasyon naman ang pagtitiisan niya. Bawat suntok ng kamao, bawat sampal sa pingi at bawat pagpapahirap ay ininda niya, sapagkat alam niyang hindi siya nagiisa. At alam niyang matatapos din ang araw na iyon. Ang araw na nakakaexcite sapagkat magiging officer na siya. :) Magagamit na niya ang kanyang bawat natutunan at bawat pinagdaanan. Patapos na ang araw hinihintay na lang ang brotherhood. Kinanta nila ang theme song na win the fight, piniringan. Siya ay mahigpit na nakakapit sa sa kanila. Pilit na pinaghihiwalay. Hindi pa din matapos ang oras. Sumigaw ang TIME! Muntikan na siyang napabitaw. Tapos na ang araw. Kinabukasan magiging officer na siya, tinitingala, hinahangaan. Masaya, ngunit mahirap sa isip niya. Pero alam niyang hanggang sa dulo kasama niya ang mga KABATCH niyang patuloy na sumusuporta sa kanya hanggang ngayon. Salamat batch. :)
Welcome. April 4, 2016
.