Bicol Reaper's Rabbitry backyard

Bicol Reaper's Rabbitry backyard Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bicol Reaper's Rabbitry backyard, Pet service, Naga City.

𝐋𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐒𝐀 𝐃𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞?𝓦𝓮 𝓪𝓻𝓮 𝓱𝓮𝓻𝓮 𝓽𝓸 𝓪𝓼𝓼𝓲𝓼𝓽 𝔂𝓸𝓾. Hindi na kailangan pumila,Hindi na kailangan bumiyahe sa ...
08/06/2023

𝐋𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐒𝐀 𝐃𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞?
𝓦𝓮 𝓪𝓻𝓮 𝓱𝓮𝓻𝓮 𝓽𝓸 𝓪𝓼𝓼𝓲𝓼𝓽 𝔂𝓸𝓾.
Hindi na kailangan pumila,
Hindi na kailangan bumiyahe sa malayo
We do everything online.
100% Legit with Original Receipt
Send us a message now.

31/01/2022
The Rabbit Caring GuideRabbits are one of the most wonderful creations of our Almighty God so they deserve to have a goo...
28/01/2022

The Rabbit Caring Guide

Rabbits are one of the most wonderful creations of our Almighty God so they deserve to have a good bunny parents and give the proper care for them.

Basic terminologies:

Buck/Sire - Male
Doe/Dam - Female
Kits - Baby Rabbits
Kindling - Panganganak
Litters - Dami ng anak
Weaning - Pagwawalay

Ano nga ba ang mga kinakain ng kuneho?

Commercial Pellets:
-Bantrade, integra 3000, Gmp3, Probbit, Kunemax, Chexer, atbp.(Magtanong ka sa nabilhan mo na breeder kung ano ang pinapakain niya 😊)

Grasses and Leaves:
- Nappier grass, Paragrass, Star grass, Talahib
-Madre de Agua leaves, Mulberry leaves, Banana leaves, Malunggay
-Hay/tuyong damo
-Tubig

PROPER FEEDING:

-Ang pagpapakain ng pellets ay sa umaga at hapon lamang sa daming 40 grams sa palakihin at 70 grams sa lactating/nagpapasuso

-Unlimited grass at hay sa buong araw upang maging balanse ang kanilang kinakain

-Mahalaga na panatilihing may inuming tubig ang rabbits

-Maaring magbigay ng prutas gaya ng saging, mansanas, mangga, grapes, strawberry atbp. ngunit ibigay lang ito as treats sa kanila at small amount lang dapat at siguraduhing natanggal ang buto nito

-Ang ihi ng rabbits ay nakadepende sa kinakain nila kaya no need to worry kapag napansin ninyo na iba ang kulay ng ihi nila.

Natural Vitamins for Rabbits:

I. FERMENTED OREGANO - makakatulong para makaiwas sila sa sipon at iba pang sakit. Maghanda lamang ng magkasing daming amount ng fresh oregano na hiniwa at molases/pulot at ilagay ito sa isang container na may takip at takpan ng mabuti at antayin maferment ng 1-2 weeks at pwede ng ipainom sa mga rabbits natin.
Paalala: Huwag lalagyan ng tubig habang pineferment hayaan lamang na ang molasses at oregano lang ang nakalagay sa container.

-Maari din ipakain ang fresh oregano sa kanila. Magbigay lamang ng isang dahon ng fresh oregano araw-araw

II. APPLE CIDER VINEGAR - maraming pakinabang ang ACV sa rabbits in terms of their health lalo na sa fertility ng mga breeding doe. Sa isang galon ng tubig maglagay lamang ng 2-3 tbsp ng ACV at haluin at pwede na ipainom sa kanila

Mga Pagkaing dapat iwasan:

I. KANGKONG - ang kangkong ay nagtataglay ng high water content na maaring magsanhi ng diarrhea sa kanila.
-maaring ipakain ang kangkong at camote tops basta kapag pinitas ngayon bukas na ng hapon ipakain upang malanta na at mabawasan ang sobrang tubig nito.

II. CARROTS - ang carrots ay nagtataglay ng high sugar content na maaring makasama sa kanila ang ipakain na lamang ay ang dahon ng carrots.

III. CABBAGE AND LETTUCE - maari silang magkaroon ng diarrhea at GI stasis kapag pinakain sila nito.

IV. DAHON NG IPIL-IPIL - iwasang magpakain nito lalo na sa mga breeding bucks dahil maaring magresulta ng pagiging impotent/pagkabaog ng mga bucks natin.

Pinapaliguan ba ang rabbit?

-Hindi. Maaring magkasakit ang rabbit kapag pinaliguan akala natin mabuti sa kanila pero hindi natin alam isa ito sa pinaka ayaw nila. Maaring punasan
na lang ng basang tela dahil ang rabbit ay parang pusa sanay silang maglinis ng sarili nila

CAGES

-all wired cage
- flooring - 1/2 x 1/2 welded wire
-sidings - 1 x 1 welded wire
-Cage size must be 2ft x 2 ft x 1ft

Ilagay ang rabbit cage sa malilim na lugar gaya ng ilalim ng puno o igawa sila ng sariling housing upang maprotektahan sila sa init at sa ulan

Ano gagawin kapag may sintomas ng heat stroke?

-karaniwang sintomas ng heat stroke ay ang biglang nagseizures/pangingisay o kaya biglang panghihina ng rabbit

- ang first aid ay punasan ng basang tela ang bandang tenga at batok o kaya naman ay ibalot ito sa tela upang mabawasan ang high temperature nito at ilagay sila sa malamig na lugar.

Ano gagawin kapag nag diarrhea?

I. ang sintomas ng diarrhea ay ang biglang paglambot ng dumi at malamig ang tenga ibig sabihin nadehydrate na sila
Magpakain ng dahon ng caimito o kaya ilaga at ipainom ito

II. alisin ang pellets at magpakain lamang ng hay at air dried na grasses. kapag ayaw uminom ay kumuha ng syringe alisin ang needle at iforce ang pagpapainom sa kanya.

III. maglagay din ng dextrose powder o kaya pedialyte para hindi sila madehydrate

Ano gagawin kapag may mange/mites/galis??

-magpahid ng virgin coconut oil, pinaglangisan ng niyog o kaya cooking oil sa infected area

Maari din magdikdik ng dahon ng madre de cacao at ipahid ito sa infected area

Kapag ayaw gumaling ay maaring magpainom ng ivermectin powder o kaya mag inject ng ivermectin pero consult expert para sa proper dosage ng gamot

Kapag over grown ang ngipin at kuko ano gagawin??

-ang pagkakaroon ng overgrown teeth ay dahil sa pellets na kinakain nila kaya mainam na magbigay ng mga damo o kaya mga sanga ng puno gaya ng malunggay

-palagiang itrim ito pra sa kaligtasan ng bunnies at pra na din sa atin

Nakagat ako ng rabbit may rabies ba sila??

-ang rabbit ay hindi nagtataglay ng rabies dahil domesticated animals sila at all natural ang kinakain nila di gaya ng ibang pets

-hugasan lamang mabuti ang parte na nakagat

FYI:

Rabbits are not a family of rodents they are family of leporids same with hare

Breeding/Mating:

1. Ang rabbit ay nagmamature pagtungtong ng 5-6 months, ibig sabihin pwede na silang magbuntis
2. Ang doe ang dadalin sa cage ng buck dahil teritorial ang rabbit kapag ang buck ang inilagay sa cage ng doe ay aawayin niya ito at hndi magmate ang dalawa
3. Paano masasabing successful ang mating? Kapag ang buck ay sumampa sa doe at bigla siyang tumumba at nakarinig ka ng sound at bigla siyang pumadyak/stomping ibig sabihin successful siya
4. Dapat ay maka 3-5 times na successful sa araw din na yun ay aalisin na ang buck sa doe
5. Ilista ang araw na naging successful ang mating at bumilang ng 30-35 days
6. Maglagay ng nestbox sa ika 25th day ng pregnancy upang maging handa ang doe sa gagawin niyang pagnesting
7. Mahalaga ang pagtatala ng araw kung kailan ang breeding, sino ang buck, sino ang doe, kailan ilalagay ang nestbox, kelan ang kindling, kelan ang weaning
8. Hindi advisable ang pagbreed ng magkapatid na rabbits dahil maari itong magresulta ng pagkakaroon ng deformities sa mga kits nito
9. Pwede ang mother and son, father and daughter
10. 1 buck : 10 does ratio

FYI:

-Ang rabbit ay ang natatanging hayop na hndi naglalandi at tanging hayop na kayang magbuntis ng 2 sets of litters

-kailangan 1 rabbit 1 cage lamang dahil teritorial ang rabbit pagtungtong 3 months ay dapat paghiwalayin na sila dahil mag aaway ito at maaring magresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila

-Ang average litter ng rabbits ay 5-8 kits

Kaunting Kaalaman:

The highest litters of a single rabbit doe is 24 kits and it came from the new zealand white breed on 1978 and followed by the year 1999 on the same breed

COMMON PROBLEMS ON MATING:

- may mga doe na ayaw magpamate. Ang dapat gawin ay paglayuin ang cage ng doe at buck kung magkatabi sila ng cage mula pagkabata upang maiba ang amoy ng doe at kapag isinama ay magpapamate na siya . Maari din na pagtabihin ang cage ng buck at doe kapag simula pagkabata pa lang ay magkalayo na sila upang masanay ang doe sa amoy ng buck

- kapag ayaw talagang magpabreed gawin ang force breeding maaring itaas ang buntot at alalayan ang doe upang maabot ng buck ang successful breeding

PREGNANT AND NEWLY BORN CARE:

- ang ideal weight para magbuntis ang rabbit ay nasa 2.5-2.8 kilos lamang depende sa breed gaya ng new zealands

- ang rabbit ay nagbubuntis lamang sa loob ng 30-35 days

- ang rabbit ay magsisimulang magbunot ng fur at maghakot ng mga damo sa nestbox sa ika 28-30 days of pregnancy nila

-ang rabbit ay ipinapanganak ng walang mga fur magsisimula lamang itong tumubo sa loob ng 3-5 days

-kapag nakaalis ng nestbox ang kits himasin lamang ang doe upang lumipat sa kamay natin ang amoy ng doe at ibalik na natin ang kits

-dahil nasanay na or domesticated na sa atin ang rabbits kahit hawakan naten ang kits nila ay okay lang hindi naman nila iaabandon ito pero practice pa din naten ung paghimas muna bago hawakan upang makasigurado tayo

Take note:

-Wag maglalagay ng damo sa loob ng nestbox, ilagay lamang ito sa tabi at hayaang ayusin at hakutin ng doe sa kanyang nestbox. My kkasabiha nga na "Mama knows best"

Common problems:

-may mga doe na hindi nanganganak sa nestbox kaya bago ilipat ang kits ay himasin mabuti ang doe para malipat ang amoy ng doe sa kamay naten

- may mga doe na hindi nagnenesting at nagbunot ng fur. Maaring mag gupit ng paper cuttings at mga hay at ilagay sa nestbox pra mainitan ang mga kits

-may mga doe na ayaw magpadede ng kits. Maaring iforce feed ang kits gawin lamang na hawakan ang doe habang nasa nestbox upang makadede ang mga kits ng maayos

-malalaman na nakadede ang kits kapag malaki ang tiyan at may puti sa loob nito

-may mga doe na mahina o walang gatas. Magpakain ng malunggay at tamang dami ng pellets at sapat na tubig

-siguraduhin na tahimik at malayo sa predators ang mga cage upang maiwasan ang pagkain ng mga doe sa kits nila dahil ang rabbit ay overprotective kpag may danger sa paligid inuunahan na nilang kainin ung kits nila bago pa kainin ng ibang predators

-sa loob lamang ng 30-35 days ay pwede ng iwalay ang kits

-practice ang 70 days cycle. 30 days sa pregnancy 30 days sa lactating at 10 days na pahinga then breed na ulit ang doe

TAKE NOTE:

-Buy rabbits on breeders not on petshops, tiangge or sidewalk vendors dahil mas alam ng breeders lahat ng detalye ng rabbits na gusto mong bilhin at nakasisigurong ligtas sa ano mang sakit bago ito ibenta sa mga gustong maging bagong bunny parents

-Research muna bago mag alaga ng rabbits pra maibigay natin sa kanila ang tamang pag aalaga sa kanila at ugaliing magbasa at iapply ang mga natutunan mo kpag isa kanang bunny parents

Credit: Justs Rabbitry
Update: Marresha Rabbit Farm
Photos: from Google, Royal rabbitph

28/01/2022
28/01/2022
For sale
28/01/2022

For sale

☺️
28/01/2022

☺️

Address

Naga City
4400

Telephone

+639381861815

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Reaper's Rabbitry backyard posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bicol Reaper's Rabbitry backyard:

Share

Category


Other Pet Services in Naga City

Show All