Office of the Provincial Veterinarian - Quezon

Office of the Provincial Veterinarian - Quezon Official page of the Office of the Provincial Veterinarian - Quezon Province
(1)

The Official page of the Office of the Provincial Veterinarian (OPV) - Quezon Province

We provide information and updates on programs, projects, and activities conducted by OPV-Quezon for our fellow Quezonians in the Livestock and Poultry Industry, Domestic Animals, Food Security, and Veterinary Public Health Sector.

30/08/2024
 : UPDATED PRICE MONITORING as of August 30, 2024.
30/08/2024

: UPDATED PRICE MONITORING as of August 30, 2024.

30/08/2024
Naimbitahan si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla, upang maging panauhing tagapagsalita sa isang pagpupul...
28/08/2024

Naimbitahan si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla, upang maging panauhing tagapagsalita sa isang pagpupulong na may temang, “Securing South Luzon’s poultry future: Protecting the Broiler Breeder Hatching Egg Basket”. Ito ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Lucban sa pangunguna ni Mayor Tenten Villaverde, kasama ang kanilang Office of the Municipal Agriculturist. Ginanap ito sa Patio Rizal, Lucban, Quezon nito lamang ika-27 ng Agosto, 2024.

Tinalakay ni Dr. Caguicla ang kasalukuyang status ng poultry industry sa Quezon. Tiniyak din niya ang patuloy na pag-alalay ng tanggapan sa mga kalalawigan nating poultry farmers sa pamamagitan ng patuloy na animal disease surveillance and monitoring upang mapanatili ang Avian-flu free status ng lalawigan.

Naging panauhing tagapagsalita rin sa naturang aktibidad si Dr. Freddie Yu, PCPP, Regional Manager, ng Evans Vanodine gayundin sina Dr. Jose Villalobos at Dr. Marlyn Reyes mula sa Zoetis Philippines.



Guinayangan, QuezonTraining on Animal Impounding and Pound Management for Animal Control OfficersAgosto 15-16, 2024Nagin...
25/08/2024

Guinayangan, Quezon
Training on Animal Impounding and Pound Management for Animal Control Officers
Agosto 15-16, 2024

Naging tagapagsanay si Dr. Camille Calaycay mula sa Office of the Provincial Veterinarian, sa isinagawang Training on Animal Impounding and Pound Management for Animal Control Officers sa bayan ng Guinayangan, Quezon nitong Agosto 15-16, 2024.

Dinaluhan ito ng labinlimang (15) technical personnel mula sa apat na barangay ng Guinayangan: Dungawan Paalyunan, Dungawan Central, Calimpak at Manlayo.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Municipal Agriculturist Guinayangan, sa layuning magkaroon ng mga bagong animal catching officers ang kanilang bayan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na rabis sa lalawigan.



 : Pinagkalooban ng limampu’t pitong (57) ulo ng Quezon Native Pigs ang mga magsasaka, student researchers, at Local Gov...
25/08/2024

: Pinagkalooban ng limampu’t pitong (57) ulo ng Quezon Native Pigs ang mga magsasaka, student researchers, at Local Government Unit ng Guinayangan, Quezon nito lamang Agosto 22, 2024. Kaalinsabay nito ay ang pagsasagawa ng Lecture on Native Pig Management at pamamahagi ng mga bitamina at babasahing may kaugnayan sa tamang pangangalaga ng baboy.

Bahagi pa rin ito ng Quezon Native Pig Program ng Office of the Provincial Veterinarian na naglalayong magbigay ng livelihood assistance sa ating mga kalalawigang magsasaka.



Meeting Pertaining to the Status of African Swine Fever (ASF) & Army Worms in Quezon ProvinceProvincial Government Capit...
25/08/2024

Meeting Pertaining to the Status of African Swine Fever (ASF) & Army Worms in Quezon Province
Provincial Government Capitol, Lucena City
August 9 & 12, 2024

Nagsagawa ng isang pagpupulong upang maibahagi ang kalalagayan ng ating probinsya sa sakit na ASF sa ating mga babuyan at army worm sa mga palayan at maisan, sa pangunguna ng ating butihing Ina ng Lalawigan, Gov. Doktora Helen Tan.

Ibinahagi at pinaliwanag ng ating Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla sa ating mga Municipal/City Agriculturist/Veterinarian kasama ang Association of Barangay Captains (ABCs) ang kasalukuyang estado ng ASF sa lalawigan at rehiyon. Pinaalalahanan din niya ang ating mga munisipyo at barangay sa mga dapat gawin kung may mga baboy na nagkakasakit sa kanilang lugar.

Nagpaalala rin ang kawani ng DILG na maaaring masuspende ang isang public official kung hindi nito nireport ang mga hayop na may sakit sa kanilang lugar sa kinauukulan.

Samantala, ibinahagi din ng ating Provincial Agriculturist, Dr. Ana Clarissa S. Mariano, ang estado ng pinsala ng pesteng Army Worms sa ating mga palayan at maisan.

Nagkaroon din ng open forum upang maibahagi ang mga karanasan ng mga public officials sa kanilang lugar patungkol sa ASF at Army Worms.

Kasama rin sa dumalo sa nasabing pulong ang mga kawani mula sa Department of Agriculture, BM Gerry Talaga at BM Boyong Boonggaling.



Nagsagawa nitong Agosto 24, 2024 ng isang on-site seminar at malawakang Information Education Communication (IEC) Campai...
25/08/2024

Nagsagawa nitong Agosto 24, 2024 ng isang on-site seminar at malawakang Information Education Communication (IEC) Campaign sa pangunguna ng ating Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla. Ito ay para bigyan ng tama at naaangkop na impormasyon ukol sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga miyembro ng Luntian Multi-Purpose Cooperative mula sa bayan ng Sariaya at Pagbilao at mga Lungsod ng Tayabas at Lucena.

Ito ay isang hakbang upang maipaliwanag ng husto ang mga tama at hindi tamang gawin para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga babuyan at lalong lalo na sa mga karatig bayan sa lalawigan.

Ang aktibidad na ito ay naging matagumpay sa pamamagitan ng Luntian Multi-Purpose Cooperative na pinangunahan ng LMPC Vice-Chairperson, G. Edwin M. Aquino.



23/08/2024

‼️Paalala sa mga kababayan nating magbabakasyon ngayong long weekend! Iwasang magdala ng pork at pork products para ASF ay hindi kumalat‼️

22/08/2024
 : UPDATED PRICE MONITORING as of August 22, 2024.
22/08/2024

: UPDATED PRICE MONITORING as of August 22, 2024.

21/08/2024

About African swine fever produced by Bureau of Animal Industry

21/08/2024

para iwas sa maling impormasyon. Maging armado laban sa fake news.

21/08/2024

𝐊𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐌𝐎, 𝐊𝐀𝐑𝐍𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐆𝐔𝐑𝐀𝐃𝐎

𝐁𝐮𝐦𝐢𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐥𝐞𝐡𝐢𝐭𝐢𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚- 𝐝𝐢𝐬𝐩𝐥𝐚𝐲 𝗮𝗻𝗴 𝐌𝐞𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 (𝐌𝐈𝐂) 𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐂𝐎𝐌𝐈).

Ito ang patunay na dumaan sa masusing inspekyon ang karne sa loob ng meat establishment bago ito ibenta sa pamilihan.

 : 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐘𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝗣𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗻𝗶𝗺𝗮𝗹 𝗤𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗵𝗲𝗰𝗸𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀 𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 ...
19/08/2024

: 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐘𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎

𝗣𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗻𝗶𝗺𝗮𝗹 𝗤𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗵𝗲𝗰𝗸𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀 𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗼𝗸𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼.

Isa iyan sa mga hahanapin ng Animal Quarantine Checkpoint ng destination. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗯𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗖𝗥 𝗰𝗵𝗲𝗰𝗸𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧𝗦.

Inaasahan ang inyong pakikipagtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.



PABATID SA PUBLIKO!Animal Shipment Documents Processing.
18/08/2024

PABATID SA PUBLIKO!

Animal Shipment Documents Processing.

BIYAHERONG MAY PEKENG ANIMAL SHIPPING DOCUMENTS 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢.Dumulog sa Pulisya ng Tiaong, Quezon si Provincial Ve...
16/08/2024

BIYAHERONG MAY PEKENG ANIMAL SHIPPING DOCUMENTS 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢.

Dumulog sa Pulisya ng Tiaong, Quezon si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla, para pormal na ireklamo ang biyaherong nasabat nila sa Provincial Animal Checkpoint sa Tiaong, Quezon. Ang nasabing biyahero ng baboy ay nagprisinta ng mga pekeng dokumento ng veterinary health certificate, veterinary shipping permit, animal inspection certificate at certificate of free status for ASF. Habang nasa proseso pa ng imbestigasyon ang checkpoint officer kasama si Dra. Caguicla ay biglang itinakas ng driver ang truck lulan ang mga baboy.

Kaninang alas 4:00 ng hapon ay isinumite na ang nasabing reklamo sa piskalya ng Regional Trial Court sa Lucena.

16/08/2024

‼️Tumigil sa checkpoint!‼️

Para sa mas smooth na movement ng pigs, pork and pork products, at para maiwasan ang pagkalat ng ASF, siguraduhing mayroong dalang tama at kumpletong dokumento.



16/08/2024
 : UPDATED PRICE MONITORING as of August 15, 2024.
16/08/2024

: UPDATED PRICE MONITORING as of August 15, 2024.

Para sa mga 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 narito ang mga sumusunod na hotline/numero na pwedeng tawagan o bigyan ng mensahe. Sama...
16/08/2024

Para sa mga 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 narito ang mga sumusunod na hotline/numero na pwedeng tawagan o bigyan ng mensahe.

Sama-sama po nating protektahan ang industriya ng paghahayupan.



 : 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐒𝐅 𝐙𝐨𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐬 𝐨𝐟 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒Ang mga sumusunod ang mga bayan na nasa 𝙍𝙀𝘿/𝙄𝙉𝙁𝙀𝘾𝙏𝙀𝘿 𝙕𝙊𝙉...
15/08/2024

: 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐒𝐅 𝐙𝐨𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐬 𝐨𝐟 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒

Ang mga sumusunod ang mga bayan na nasa 𝙍𝙀𝘿/𝙄𝙉𝙁𝙀𝘾𝙏𝙀𝘿 𝙕𝙊𝙉𝙀:
1. San Andres
2. Macalelon
3. Lopez
4. Mauban
5. Candelaria
6. Tiaong
7. San Antonio

Pinapaalala sa lahat na panatilihin ang 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗢𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 sa inyong mga babuyan.

Para sa kung ano ang ASF Zoning Classification, mga Facts and Information about ASF at mga Mahahalagang Paalala sa mga Byahero ng Baboy bisitahin ang link na ito:

Link (1): https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0k1DqJ97zPwvTTHUuSK3BPd4Q29sJZtNruzT2stfD6i3w1Va4NsRH191JQuicURbil

Link (2): https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0ADmqae2XkdJjKCva55U7VmUax7isxipT2wDBGq25ta3weh4ys3GybHUe5aosxhTKl

Link (3) : https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0i2fGjYQQY94QYQAZ1gf6HvLmbDZoBJMd4Rd724RURUobyXvfCx4cHCc1ejsJ9xMxl

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔  𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬.
14/08/2024

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬.

Ipagbigay alam kaagad sa Municipal/City Agriculture/Veterinarian Office ng inyong bayan, upang ito ay maagapan!
14/08/2024

Ipagbigay alam kaagad sa Municipal/City Agriculture/Veterinarian Office ng inyong bayan, upang ito ay maagapan!

📢‼️ Maging alerto! ‼️
Kung may hindi pangkaraniwan o hindi normal na obserbasyon sa inyong mga alagang baboy na maaaring magpahiwatig ng sintomas ng ASF, o iba pang sakit ng baboy tulad ng:
✅ lagnat
✅ pamumula o kulay berde sa balat
✅ pagdurugo
✅ pagsuka
✅ aborsyon sa inahin
✅ hindi pagkain
✅ pamamayat
✅ ubo at sipon
✅ hindi makatayo o makalakad
ay ipagbigay alam agad sa inyong lokal na Veterinary o Agriculture Office.

Paglaganap ng ASF ay pigilin, AGARANG PAG-UULAT ay ugaliin! 🐷🐖

Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa Barangay Biosecurity Officers sa mga napiling kinatawan ng mga barangay ng Tiaong, Qu...
13/08/2024

Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa Barangay Biosecurity Officers sa mga napiling kinatawan ng mga barangay ng Tiaong, Quezon nitong ika-6 ng Agosto 2024. Ito ay pinangunahan ng kanilang Office of the Municipal Agriculturist katuwang ang Office of the Provincial Veterinarian sa katauhan ni Dr. Adelberto H. Ambrocio na sya ring tumalakay sa paksa.

Layunin ng pagsasanay na magkaroon ng front line personnel sa pagkontrol at pag-iwas ng African Swine Fever at iba pang sakit ng hayop sa antas ng barangay.



Nakinabang sa isinagawang Estrus Synchronization /Artificial Insemination ang 39 na kalabaw at 3 baka sa bayan ng Macale...
13/08/2024

Nakinabang sa isinagawang Estrus Synchronization /Artificial Insemination ang 39 na kalabaw at 3 baka sa bayan ng Macalelon, Quezon noong Agosto 6, 2024. Kaalinsabay rin nito ang pagbibigay ng iba pang serbisyong medikal sa naturang mga hayop dahil sa inisyatibo ng kanilang Office of the Municipal Agriculturist katuwang ang Office of the Provincial Veterinarian.

Samantala, nagsagawa rin ang tanggapan ng assessment/monitoring at pregnancy diagnosis sa 56 na mga gatasang kalabaw na nagmula sa proyekto ng Philippine Coconut Authority na “Dairy Buffaloes under Coconut Carabao Development Program” sa Manggalang I, Sariaya Quezon nitong Agosto 8, 2024.



13/08/2024

☝️Isang mahalagang paalala!

Para ligtas sa kalusugan ang inyong kakaining karne, hanapin ang COMI o MIC! ✔️🥩

Address

Sitio Fori, Brgy. Talipan
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Telephone

+639203545347

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Provincial Veterinarian - Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Office of the Provincial Veterinarian - Quezon:

Videos

Share

Category


Other Veterinarians in Pagbilao

Show All