14/08/2023
*** not for sale ***
Madami naghahanap ng good quality bully pero ayaw gumastos.
Dumadami na din bumili muna pero hindi nag handa at nag research para sa bully breed na meron na sila.
Ang Bully (American or Exotic) ay napakagandang breed.
Ang realidad, ito ay hindi para sa lahat ng gustong mag-alaga nitong uri ng a*o.
Maselan, matakaw, kailangan bigyan ng oras at sapat na pag mamahal.
Kung titipirin mo lang sa panay budget meal na pagkain, ayaw mo ipagamot kung may sakit, Hindi mo lilinisin araw araw. Iiwan mo lang sa labas na nakakulong o nakatali. Tapos gusto mo kung dam ang sayo eh panay puppy share ang hanap mo. Tapos iri-risk mo na normal manganak kasi mahal ang CS.
Gusto ko lang ipaintindi sayo na magastos mag alaga ng breed na ito.
Kung hindi ka talaga kaya mag commit, isipin mo na habang buhay ng a*o na commitment yan. Kung hindi mo kayang gastusan, kawawa naman.
May ibang breed naman na mas madaling alagaan. Doon ka muna.
Aral ka pa. Mag-ipon at kumuha ng tamang tuta o a*o kapag handa ka na. Itrato mo sila na parang anak na hindi tinitipid.
Hindi po tayo sa nang uuri ng estado ng tao sa buhay.
Pero totoong may kasamang gastos ang pagiging responsableng amo ng bully.
God bless everyone.
CTTO
*Photo from Google.