23/07/2021
⚜️⚜️⚜️PAG-AALAGA AT PAGPAPARAMI NG KUNEHO⚜️⚜️⚜️
💢Narito ang mga gabay sa pag-aalaga at pagpaparami ng kuneho:
📌PARA SA HOUSING NG RABBIT
✅Bago bumili ng mga rabbit, siguraduhin na mayroon ka ng housing para sa kanila. Maaaring gumamit ng cage method o mag free-range.
✅Kung mayroon kang malawak na lugar, free range ang ideal.
✅Kung cage method naman ang gusto o applicable sa space mo, wire mesh ang kailangang gamitin para sa cage nila. Mas mainam kung maliliit ang butas ng wire mesh upang maiwasan ang pagpasok ng mga daga at ipis sa loob ng kulungan. At least 18”x18” ang sukat ng kulungan para sa isang rabbit. Siguraduhing elevated ang kulungan upang mas madaling linisin at para madaling makuha ang kanilang dumi na pwedeng gamitin bilang fertilizer. Ilagay sa shaded area ang kulungan upang maprotektahan sila laban sa init at ulan.
📌SA PAGPILI NG AALAGAAN AT PARARAMIHING RABBIT
✅Magkakaiba ang mga breed ng rabbit. May breed para sa pet production, meat production o kaya ay para sa fur maximization.
✅Para sa pet production, mainam ang Angora at Lop na breed ng rabbit dahil ito ang mas gusto ng mga hobbyist.
✅Kung para sa meat production ang purpose mo, piliin ang mga rabbit na umaabot ng 3-4 na kilo ang timbag tulad ng Palomino, Chinchilla, Champagne D’Argent, Flemish Giant at New Zealand rabbits.
✅Angora rabbit naman ang rekomendasyon kung fur production ang purpose mo.
📌SA PAGPAPAKAIN
✅Kung ang rabbit ay para sa pet production, hindi kinakailangan na mataas ang weight gain nito. Pero kung for meat production, may timbang na kailangang abutin
✅Kung ikaw ay nasa syudad at walang available na mga damo, commercial pellets ang pwedeng ipakain.
✅Kung nasa bukid naman maraming damo o halaman na pwedeng ipakin sa mga rabbit mo tulad ng napier grass, star grass, carabao grass, goose grass, vetiver grass at iba pa. Pwede rin ang mga dahon ng saging, mulberry, maramais, sinigwelas at basil. Ang mga halaman at herbs naman na nakagagamot sa kuneho ay ang oregano (ubo at sipon), caimito leaves (diarrhea), malunggay leaves (lactating doe) at iba pa. Pwede rin ang legumes gaya ng madre de agua at mani-mani, kangkong at talbos ng kamote, pero dapat ay kaunti lang dahil pwedeng magdulot ang mga ito ng diarrhea sa kuneho.
✅Depende rin sa settings mo, may ilan na 65:35 ang ratio, 65% na pinapakin ay mga berdeng damo o halaman at 35% ay commercial pellets.
✅Sa oras ng pagpapakain, greens or mga damo at halaman sa araw, habang commercial pellets naman sa gabi dahil Crepuscular ang mga rabbits. Mas kailangan nila ang nutrients sa gabi, at naibibigay iyun ng mga pellets.
✅Para naman sa kanilang inuman, gumamit ng hose na itim ang kulay upang hindi magkaroon ng lumot sa loob nito. Pwede rin ang mga pvc pipes dahil ito ay matibay.
📌SA PAG-AALAGA AT KALINISAN
✅Mahalaga na panatilihin ang kalinisan ng kulungan at kapaligiran ng mga kuneho upang masiguro at mapanatili rin ang kalusugan ng mga kuneho.
✅Linisin ang kanilang kulungan dalawang beses sa isang buwan. I-sanitize ang kulungan gamit ang high-pressure water at samahan ng dinikdik na madre de cacao o malunggay.
✅Isa pang paraan ng pag-sanitize ng kulungan ay ang pagbuga ng apoy. Ginagamit ito upang matanggal ang mga balahibong nakadikit sa kulungan na hindi naalis ng high pressure cleaning. Maaari rin itong gawin pagkatapos ma-harvest ang kuneho.
✅Kailangan din ang regular trimming sa mga kuko ng kuneho upang hindi ito makakalmot o makasugat kapag sila ay bubuhatin.
✅Karaniwang sakit ng mga kuneho ay fungal infection. Nakukuha nila ito kapag madumi ang kanilang mga kulungan. Para magamot ito, maglagay ng sulfur ointment sa cotton buds at ipahid sa infected area. Maaari ring gamitin ang wound spray na pantanggal infection upang hindi langawin ang sugat nila. Panatilihin din ang kalinisan ng kanilang kulungan upang maiwasan ito.
✅Isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng rabbit ay diarrhea. Kapag tinamaan sila nito, kinabukasan ay namamatay agad sila. Kaya siguraduhin na obserbahan lagi ang alagang kuneho kung sila ay may diarrhea. Katulad sa tao, pwedeng ipainom sa rabbit ang mga gamot laban sa diarhhea.
📌SA PAGPAPARAMI
✅Buwan ng Hulyo at Agosto ang seasonal breeding para sa kuneho. Maaaring ipag-mate ang mga rabbit ng maraming beses sa loob ng isang araw. Pero kung nakapag-mate na sila, hindi na sila pwedeng ipag-mate pa sa ibang araw. Antayin nalang na manganak ito after 31 days mula ng makipag-mate ito. Kapag malapit ng manganak ito after 31 days mula ng makipag-mate ito. Kapag malapit ng manganak ang doe o babaeng rabbit, magtatanggal ito ng kanyang fur upang magsilbing beddings ng kanyang mga anak. Umaabot ng 6 hanggang 14 ang anak ng rabbit.
📌PAG-AANI
✅Sa edad na 3-4 na linggo ng kuneho, kinukuha na ng mga pet owners ang rabbit para maibenta. Anim hanggang pitong buwan naman ang kailangang hintayin bago mabenta at maiproseso bilang karne ang kuneho. 3-4 kg ang ideal live weight ng kuneho for meat production at 1.5 kg naman kapag dressed na.
©️By Michael Bacaser
Published on January 21, 2021@ ALPHA NEWS PHILIPPINES
📸Sally Korona On Special Rabbits Cute Baby Animals Cute Baby Bunnies Lionhead Bunny
❗️❗️❗️No copyright infringement is intended.❗️❗️❗️