20/07/2020
SA MGA CO HOBBYIST .. Lalong Lalo na sa mga NEWBIE... FYI Lang po 🙂
BAKIT MAHAL ANG PRICE NG IBANG ISDA?!!!
1. BLOODLINE- San galing ang Kanilang parents... If ang parents ay imported or quality na island born, expected din Yan na medyo Mahal Ang Kanilang mga anak, kasi syempre Malaki Ang Kanilang capital (Price Ng breeders plus transhipment cost pa). Huwag din kalimutan ang pagod at hassle na naranasan Ng breeder sa pag ship Ng isda...
2. FOOD- Hindi ibig sabihin na Kung daphnia or kiti2 Lang Ang pagkain sa Kanilang isda ay mura lng I out Ang isda... Hindi mababayaran Ang pagod at hassle sa breeding... Mahirap mag hanap Ng daphnia sa ibang lugar at pagod sa pagkuha Ng kiti-kiti... (Dito sa Luzon ay binibili natin Ang BBS 20g for 220, Tubifex 1tabo 250). At lalong mas mahal Ang Kanilang isda QUALITY feeds ang pinapakain nila like Saki Hikari, JPD, Monster feeds, etc... Na tig1000 to 2000 pesos ang kilo sa pagkain... Mas mahal pa siya sa Bigas...
3. QUALITY NG ISDA (kanya2 tayo definition sa quality😂)
*Merong isda na pangmasa- Eto Yung kadalasang binibili Ng mga komprador or reseller. Kaya mura lang ito.Pwede na pang pet shop or binebenta sa labas ng skwelahan at kadalasan din ay Maliliit Ang sizes (Bansot). Siyempre Hindi din natin pwede alisin Ang pangmasa kasi maraming nakadepende sa Kanilang livelihood dito... As in marami...
*Pero meron ding mga isda na mga selected or show quality. Eto Yung mga mahal na isda at Ito ay kadalasan binibili Ng mga hardcore na Hobbyist or ibang breeder) Kasi Ito ay selected na... Ibig nilang sabihin Ang pagkaganda sa batch nila... At Hindi Biro ang pagpili sa kanila... Biruin mo sa 5000 na na Pisa, Swerte na if may 100-200pcs nga quality or 10 pcs na show quality...Kaya need talaga presyohan Ng Insakto or mahal kasi Mahirap sila hanapin.. (Plus ang pagod huwag na huwag niyo kalimutan)
*Ang ibang isda ay direct import pud sa labas like Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam or China... Mahal to sa kanila pagbili sa labas, syempre Mas Mahal Ito pag ibenta na sa Pilipinas... Huwag Kayo mag expect na ibenta Yan Ng mura... Kasi dapat din sila mubawi sa Kanilang capital or worst sa mga isda na namatay pag dating ng Pinas dahil sa shipment.
4. SIZE SA ISDA- Tingnan mo din ang size sa isda... walang 5 inches na tig 25 pesos lang.. Meron pa cgurong 5" na libre... 😂😂😂 Yung galing sa mga tropa mo na nag quit na sa fish hobby,Kaya Ipa addopt nlng nila sayo ng walang bayad.
5. BREEDER vs RESELLER - Huwag din mag expect na makabili Ng mura na mga isda sa mga reseller... Kasi syempre dapat din nila mabawi ang kanilang capital plus kita konti.. Kung gusto ka makkabili ng medyo mura... Punta ka sa mga breeder na Mabait 😂😂😂 Yung bibigyan kapa ng freebies pag bibili ka Ng marami.
6. MISCELLANEOUS EXPENSES- Syempre ang kuryente na ginamit sa airpump, submersible pump, heater at ilaw... HINDI YAN LIBRE... Ang laminated sack, hollow block, semento, kahoy, pako, aquarium, stand, etc... Gastos Ng paggawa ng pond Hindi din yan libre. Ginastusan Yan lahat... Lalo na if pinagawa pa nila Ng lalagyan Ang Kanilang isda... Ang iba ay nag renta din Ng lupa, katulad ng mud pond or lagayan sa kanilang mga trapond...
7. EFFORT (Lalo na sa mga breeder)- Eto Yung mahirap presyohan... Testing niyo nga mag breed ... Dun ninyo malaman Kung gaano kahirap ... At ano ang Pagod... Eto yung pinaka rason bakit huwag na huwag niyo pakialaman Ang Kanilang presyo... Sila ang nagbreed sa isda... sila ang nagpakapagod... Sila Nag Groom at Nagpalaki. Malaki Ang Kanilang nagastos... Kaya sila Lang Ang may karapatan mag bigay Ng Presyo...SILA LANG at HINDI TAYO MGA BUYER ...
Sa mga hihingi po nang tawad. Huwag pong mag expect ng 100 pesos na tawad kung bibilhin ay 500 lamang. Malaking pag aadjust po sa mga breeders kahit 20 to 50 pesos na discount. Kaya pasalamat ka na kahit 20 pesos nakadiscount ka. Remember: namatayan pa yan nang isda kahapon dahil sa lamig 🤣
Kaya mabuhay po mga breeders and fish vendors dyan!
Lahat nang magaganda at cute na mga isda sa aquarium nyo sa bahay, effort yan nang mga breeders :D