04/08/2024
‼️HELP US SPREAD AWARENESS‼️
‼️LALAMOVE SCAM‼️ INGAT SA MGA MADALAS GUMAMIT NG LALAMOVE LALO NA SA MGA NAGNENEGOSYO‼️
Share ko lang po yung nangyari sa amin kahapon, para maging aware po ang iba sa ganitong klaseng panloloko.
Since we started our small business, ginagamit na namin ang Lalamove to ship the ordered items to our customers. Kaya po mahilig kaming magdagdag ng payment sakanila, kasi naaappreciate po namin ang Lalamove Drivers. Pero hindi namin inaasahan na hindi lahat sila, totoo. Pinasok na din sila ng mga manloloko.
Here's what they did.
Iba ang information sa app. It was clearly a mismatch and reported na din po ito sa lalamove. Ang declared sa app, White Van and dumating, Black Van. Iba ang plate number, iba ang driver.
Tinanggap nila ang booking around 3pm, August 3. Napick up nila before 4pm, August 3. Binayadan ko na agad, nag-tip pa ko ng 200. Sabi ko pa sa driver, since may toll gate, Mag-aadd pa ko ng para sa toll gate nila ipakita lang ang resibo. Masayang-masaya sila. Sabi ko pa bago sila umalis, salamat at mag-ingat sila. 😅 Since Novaliches kami and Silang, Cavite and drop off, normal na matagal ang travel time nila lalo na't Saturday pa.
Pero 9pm, wala pa rin... Nanghihingi ako ng update. Tumawag ako sa mga number na ginamit nila, wala, hindi sinasagot, kahit sa app, walang nagrereply. Good thing, bago nila inoff ang data or nadisconnect ang lalamove app, nakauwi na muna sila. Hiyang-hiya ako sa client namin, kasi si Ma'am, napakabait. (Thank you Ma'am Jo sa pag-unawa mam)
At ayun, hinanap namin 12mn at nung naconfirm nga namin na sila yun, tumawag kami ng mga pulis para mahuli sila. Nag-iinuman na sila doon, nagsasaya, habang kami, aligaga kasi lugi na kami, nagmukha pa kaming manloloko sa client namin. Maraming salamat po sa mga pulis at hindi niyo po kami pinabayaan.
And we found out na ito ang modus nila.
Bumibili sila ng lalamove driver account. At gagamitin nila yung account para makapag-accept sila ng booking, pipiliin na ang payer is yung sender of course para magkapera agad sila, at hindi nila idedeliver ang item. Bahala ka na! 🥲
Kaya mag-iingat po tayo lagi. Maswerte pa kami na nahanap pa namin sila, paano kung hindi? Kawawa lalo na ang katulad naming small business owners na nagtatrabaho at lumalaban ng patas.
PLEASE SHARE PO NATIN ITO.