Ganito ako nagpakain kagabi dito sa labas namin kasi na ulan. Di ko sila mapakain sa labas ng gate kahit may bubong kasi nag iingay yung mga aso. I'M LOOKING FOR ADOPTER or FOSTER lalo na ngayong palapit na ang tag ulan kasi di ko sila maipapasok dito sa loob.
Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Ophelia Enemenzo, Sabadina Glo
โPLS. DONATE PO. MAY RIDER NA PO TAYO AND SHELTER. PANGBAYAD NA LANG PO ANG ZERO UNTIL NOW๐ขโ
UPDATE: 18 MAY 2024
May quotation na po ang pet transpo. Pick up fro. Proj. 8 QC going to Gentri Cavite. P1320 po nag discount si kuya ng p200. Sa comment po screenshot. Pls help nyo po kami ni Mingming parq mahatid na po sila sa Cavite.๐๐ผ๐ข
๐๐ผHello mga PAWparents. Hihingi po sana ako ng small donations para po sa transpo ni mommy Mingming sa pag rescue sa kanya and mga babies nya. 3 days pa lang po mga babies ni mommy Ming. Baka po kasi paalisin sya sa pinag anakan nya kasi nag iingay yung mga aso pag nakikita sya. Isa po sya sa pinapakain ko sa labas. Nanganak po kasi sya kaso di po sya pwede doon sa lugar kung saan sya nanganak. Inireklamo na rin po sya sakin kasi ako daw po ang nagpapakain. Di ko po sya pwedeng kuhain dahil doon din po ako nakatira kung saan di po pwede ang pusa. Kahit po maliit na amount dadami rin po yan pag maipon. Maraming salamat po.
Gcash: 0966 255 0952
Li****y A.
Pls inlude MING TRANSPO
Narinig ko sya kahapon. May kumakahol sa gasolinahan. Nakita ko nakatali sya dyan kaya tumawid ako para check kung may nag iwan sa kanya.
Sabi ng mga habal rider may owner sya kaya hinintay ko. Binigyan ko muna sya ng tubig kasi akala ko matagal na syang nakatali dyan.
Alaga pala sya ng isang barker ng jeep dyan. Few months ago nung puppy pa sya sumusunod lang sya kay Kuya habang nagtatawag ng pasahero. Nagulungan daw yqn ng taxi kaya nagkaganyan yung paa. Di namam daw pinagamot at wala rin namang pera si kuya para ipagamot sya. Ngayon nalaki na sya pero di pa rin masyadong magaling yung sugat. Wala daw kasi si kuyang pangpagamot at pangbili ng gamot pero mahal nya yung aso. Makikita naman na healthy at malinis sya.
Kahapon binilan ko ng betadine, gasa at mediplas yung aso. Sabi ko kay kuya lagyan nya at balutin para di magdumi. PERO MAS MAGANDA SANA KUNG MAY TUTULONG KAY KUYA PARA MADALA SA VET AT MATINGNAN YUNG PUTOL NA PAA.๐๐ผ SANA PO MAY TUMULONG KAY KUYA. Tinatali na sya dyan habang nagtatawag si kuya ng pasahero para di raw sumusunod sa kanya para di na masagasaan ulit. Good boy naman si dog. Natutulog lang sya dyan habang naghihintay kay kuya.
Sa gusto pong tumulong madala sa vet, nasa may Shell po sila sa kanto ng Quirino highway and Tandang Sora Ave. Barker po dyan si kuya everyday mga 6pm andyan na po sila.
โKITTEN URGENTLY NEED FOR RESCUE OR ADOPTIONโ
UPDATE: 26 APRIL 2024
Kahapon ko pa sya hinahanap pero di pa sya ulit bumabalik dyan sa pwesto nya. Hanggang ngayong gabi hinanap ko sya pag feed ko ng strays pero wala sya. Dyan ko kasi sya nakita twice pero ngayong gabi wala sya.๐ข๐
ORIGINAL POST:
Pls help this kitten po. Sabi nung kasambahay na nakausap ko may nag iwan sa kanya nung sunday afternoon dyan sa lugar na yan. Pinakain ko sya nung sunday evening pag feed ko sa mga strays. Tapos nung binalikan ko wala na sya pati yung bag na pinaglagyan sa kanya at yung food at tubig na iniwan ko. Hanggang nung monday wala na sya dyan. Tapos ngayong gabi nakita ko na naman sya pag feed ko ng strays. Sabi ulit nung kasambahay nakita nya raw kanina parang nahihirapan daw pong makalakad. Inuulit ko po na gusto ko man syang kunin wala po akong paglalagyan sa kanya. Andito po ako nagrerenta sa loob ng compound ng owner at nasa likod lang ako ng kusina nila. May 3 pa po silang american bully na galit na galit sa mga pusa. Naiinis na nga po sila sakin dahit pag gabi na naka tambay na sa labas ng gate yung mga pinapakain kong pusa kaya nag iingay po yung mga aso nila. Sana po may mag rescue, foster or adopt kay baby kitty. Mabait po sya at malambing nung hinawakan ko.
LOCATION: PROJ. 8 QC
PM LANG PO KAYO PAG INTERESTED PARA MAHANAP KO SYA BAGO KAYO MAGPUNTA PARA DI PO SAYANG SA PAMASAHE.๐๐ผ
First time kitang nakita nung march 2019 during the lockdown. Nagpapakain ako ng strays every afternoon before mag curfew. May nag iwan sayo sa tapat ng savemore. Nasa ilalim ka ng suv. Payat na payat kaya akala ko patay na aso. Tapos nung tinawag kita gumalaw ka. Super skinny ka, maraming sugat at may mga part sa katawan mo na wala ng balahibo. Pero lahat ng strays sa may palengke at savemore di ko iniwan nung buong lockdown. Pinakakain ko everyday ng niluluto kong ulam at kanin. Kasama ka na doon.
Sobrang payat mo kaya skinny ang tawag ko sayo until tinawag na lang kitang Kinkin. Everyday hinihintay mo akong magpakain. Tumatalon talon ka pag nakikita mo ako. May kasamang LC vit yung food and water mo kaya nakatulong siguro para gumaling yung mga sugat mo at unti unting tumubo yung mga balahibo mo. Pag post ko about you, thank God may nag rescue sayo. Balita ko daddy ka na ngayon. Super love kita Kinkin. Sorry kasi di kita kayang ampunin kahit gustong gusto kita. Alam mo kung bakit. Miss ka na ni mommy my love.๐
Saan ka na Mommy Ming๐ข
REST IN PEACE MY POGI.๐๐ผ๐ข
Kaya pala di kita nakita since nung sat during feeding time. Kahit alugin ko yung lagayan ng food mo di ka lumapit. Kagabi sabi nung mga staffs sa resto wala ka na raw. Pag gising daw nung isang staff nila sa quarter nila narinig nila sumigaw ka. Bumula ang bibig mo then umihi at nag poop ka tapos yun na ang huling hinga mo.
More than a year din kitang pinapakain dyan. Pati yung staff dyan mahal ka rin
May bowl pa silang nakalagay para kainan mo. Nilalagyan ko pa ng vit yung wet food mo and binubulong ko lagi sayo before ako uuwi to stay safe, healthy and strong. Di ako nagmalay iniwan mo na pala si mommy.
Mamimiss kita baby ko. Yung super lambing mo na kung anu-anong lambing ang ginagawa mo while nililinis ko yung kainan mo before ko lagyan ng food and water. Pinapakita mo ng sobra sobra how you appreciate yung pagpapakain ko sayo. SORRY wala akong nagawa para maging safe ka. SORRY di kita maiuwi kahit gustong gusto ko kasi nagrerent lang si mommy at wala akong paglalagyan sayo. SORRY kasi di kita naparescue. GOODBY my love Pogi. Till we meet again baby ko.๐๐ข
#straycat #feeder #adoptdontshop
Nakikita ko po sya pagpupunta ko sa Savemore. Balik balik lang sya around that area. Mga 4 months na sya dyan. Binibilan ko sya ng dogfood at tybig pag nakikita ko. Pero kagabi nakita ko umiiyak sya. Maga na yung private part nya and masakit siguro kasi piki na sya maglakad parang iniipit nya. Dati naman normal syang maglakad. ๐๐ผPraying na sana may mag rescue sayo mommy dog.๐ข๐
LOC: Around savemore Proj. 8 QC.
We feed because we care for the voiceless and all Gods creation. PLS IF YOU CANT FEED THEM, DONT HURT THEM. Thank you๐๐ผ
Pls adopt Monyet. A male kitty napulot ko po sa Quirino highway sidewalk while i was feeding 6 weeks ago. Mabait po and so playful. Best for indoor pet po and litter trained. Fully dewormed and ready for vaccine. Free neuter po pag 5-6 months na sya. Pm nyo lang po ako para ako po magbayad basta mamahalin sya na parang pamilya. Marami po kasing aso dito sa amin and napuntahan na po sya dyan sa cage kaya di ko po sya mapakawalan at di ko rin po sya maampon. Di po kasi ako nagkukulong ng pets. Need lang talaga sya now kasi baka matyempuhan ng mga aso.๐ข Thank you.
Pls send STARS PO๐๐ผ. Thank you.