17/05/2024
Poor baby! This practice should be stopped! Animals are here with us and not for us. They are not to be used for entertainment! If you know anything about the whereabouts of this perya or who organizes it, please send us a message or contact Guinea Pig Shelter PH so we can stop this animal cruelty.
HINDI LARUAN ANG MGA HAYOP‼️
Kinukundena namin sa Guinea Pig Shelter PH itong paggamit ng guinea pig sa isang laro sa perya. Malinaw na ito ay pagmamalupit sa hayop (animal cruelty).
Maliit man, ang mga guinea pig ay mga indibidwal na may kamalayan at pakiramdam din tulad ng mga minamahal nating mga a*o at pusa.
Hindi porket maliit sila ay ibig sabihin ay pwede silang gawing laruan. Hindi sila bagay o gamit!
Hindi porket maliit sila ay ibig sabihin ay walang halaga ang buhay nila.
Sa mga hindi nakakaalam, ang mga guinea pigs ay social animals. Nalulungkot sila pag mag-isa kasi likas silang kabilang sa isang herd. Masaya sila pag may kasama silang kumain at maglaro, at pakiramdam nila mas ligtas sila pag may kasamang matulog.
Ang mga guinea pig rin ay mga prey animals. Ibig sabihin sa wild, sila ay kinakain ng mga predator tulad ng ahas. Kaya naman sila ay likas na matatakutin at madaling maistress dahil wala naman silang kalaban-laban sa wild. Instinct nila ang magtago kasi pakiramdam nila ay doon ay ligtas sila sa mas malalaking hayop.
Napakadaling makita pag masaya, malungkot, o takot ang guinea pig.
Para sa aming mga nag-aalaga ng guinea pig, alam namin na sobrang takot at stressed ang guine pig na ginagamit sa palarong ito. Baka nga wala na yung guinea pig ngayon kasi madali silang manghina pag nakaranas ng ganyang stress. Hindi malabo na yung mga guinea pig na ginagamit sa palarong iyan ay hindi inaalagaan nang maayos. Palibhasa laruan lamang ang tingin sa kanila.
Kasalukuyan naming inaalam kung nasaan ang perya na ito at kung sino ang nagpapatakbo. Nais naming maabot ang mga kinauukulan at maimbistigahan ang operasyon ng perya sa video na ito at agad na ipatigil ang ganitong klaseng laro dahil ito ay malinaw na pagmamalupit sa hayop.
Nais din naming manawagan sa ibang animal advocacy groups at kapwa animal advocates na samahan kami sa pagkundena sa gawaing ito.
Hindi laruang ang mga guinea pig! Hindi laruan ang mga hayop! Itigil ang abuso at paggamit sa mga hayop!
Photo screen-grabbed from Gilbert Bongso Bacalangco's video. Link to original video in the comments.