27/03/2025
RABIES AWARENESS MONTH
March 27, 2025
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Taun-taon, umaabot sa 200 hanggang 300 na Pilipino ang namamatay dahil sa sakit na rabies.
Naipapasa ang rabies sa pamamagitan ng kagat o kalmot ng hayop na rabid o infected ng rabies virus.
Ngayong Rabies Awareness Month, narito ang mga simpleng hakbang para maprotektahan ang ating pamilya, alagang hayop, at komunidad laban sa rabies.
Una — Pabakunahan ang mga alagang hayop. Siguraduhing regular silang nabibigyan ng anti-rabies vaccine.
Pangalawa — Maging responsableng pet owners. Tiyakin na nakakatanggap sila ng sapat na nutrisyon at aruga at siguraduhin na hindi sila pagala-gala sa mga lansangan.
Pangatlo — Iwasan ang ligaw o mailap na hayop. Huwag lumapit o makipaglaro sa mga a*o, pusa, at iba pang hayop na hindi ninyo pag-aari dahil maaaring infected sila ng rabies virus.
Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa ating mga anak.
Pang apat — Kapag nakagat o nakalmot ng a*o o pusa, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at malinis na tubig sa loob ng kinseng minuto. Magtungo rin agad sa pinakamalapit na health center para masuri ng health professionals.
Makiisa tayo sa pagsasagawa ng mga aktibidad at kampanya upang palawakin ang kaalaman para sa isang rabies-free Philippines.
Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines