19/03/2022
🐹TIPS PANO ALAGAAN ANG BAGONG PANGANAK NA HAMSTER🌿
1. kelangan maanticipate at bilang niyo ang araw kung kelan niyo sila pinares at dapat 13-14th day ay malinis niyo ang kanilang cage/bin kasi hindi na ito pede linisin once sila ay nanganak, malilinis niyo lang ulit at kanilang cage/bin at mapapalitan ang kusot kapag 3weeks old or 21days old na mga anak neto. wag niyo din hahawak hawakan ang buntis na hamham dahil agresibo at maaaring kagatin kayo neto.
2. number one rule: never na never galawin ang mga anak/juvies neto kapag ang anak ay wala pang 3weeks old or 21 days old for safety purposes.
3. huwag na huwag niyong sisilipin ito para hindi mastress ang mama ham.
4. ilagay ang kanilang bin/cages sa tahimik na lugar, if mas madilim na lugar mas maganda.
5. mas maganda if makakapagprovide kayo ng malunggay leaves every 2-3days, sisilipin niyo lamang ito kapag maglalagay kayo ng pagkain, maganda din if makakapagprovide kayo ng puti lamang ng nilagang itlog.
6. hayaan niyo lang dumiskarte ang mama ham at wag niyong gagalawin, may possibility pa ding kainin ng mama ham ang ilan sa anak nila dahil ito ay maaaring mababa ang chance na makasurvive at kinakaen na nila ito pero wag kayo magpanic dahil natural lamang ito. If halos karamihan ay kinaen ng mama ham ang anak nya ay maaaring me nagawa kayong mali from step 1-5.
7. once lumaki na ang mga anak at tumungtong na sila sa 3 weeks old ay pwede niyo na ulit linisin ang kanilang cage at palitan ng kusot, nasa diskarte niyo po if gusto niyo ng ihiwalay ang mama ham or hindi, maaari niyo ng hiwalay ang mama ham from 3weeks old to one month old na babies.
8. kapag tumungtong na ng one month old ang mga anak neto ay kelangan niyo na ihiwalay ang males sa females kasi within 1-2mos old ay nagkikick-in na ang kanilang instinct at maaari nilang ibreed ang kanilang kapatid which is dapat maiwasan kasi hindi maganda mag-inbreed kasi may mga chances na maglabas ito ng defects at sakit. once nalaman ng ibang owners, keepers at breeder na nagiinbreed kayo, kayo ang unang huhusgahan kung bakit pinabayaan at hinayaan niyo lang ito mangyari.
9. kapag umabot na ng two mos old ang pinaghiwalay niyong males at females ay kelangan niyo na ito maprovide ng tig isang bin/cages kasi malaki chances na mag away sila dahil sa solitary at terrorial instinct nila or worst, magpatayan. kaya once two months old na sila ay dapat tig isang bin na sila. (for SYRIAN hamster)
10. Sa mga DWARF naman, pwedeng i-colony ang babies, given na sama sama ang males, sama sama ang females. Bigger bins, mas okay. Dahil kung mag cocolony, magiging crowded sila kaya mas okay kung mas malaki ang bin.
*NOTE: kaya mas mainam if alam niyo na ang tamang pairing bago natin pasukin ang breeding dahil ang breeding part sa hamster ay last step na, mas mainam if alam niyo ang first step tulad ng basic info, proper care, proper handling, proper keeping, do' and don'ts na foods, color id nila at genecode at ang huli ay ang breeding or pairing.
‼️ paalala lang po, ang syrian hamster ay magastos sa bin, usual problems naming mga breeders yan dahil minsan mas marame nilalabas na anak ang nabrebreed namin from the anticipated numbers na inaasahan namin at namromroblema ang karamihan sa bin/cages dahil sa pagdame neto, kaya pagisipan muna natin if may kakayahan ba tayo gumastos para sa cages/bins nila at iba pang needs. 👍🏻