29/10/2023
Isang taon na mula nung binaha kami at halos madurog ang puso ko sa pagkawala ng mga alaga kong rabbit. Ilang araw na iyak at walang gana sa lahat ng bagay. Yung pakiramdam na parang gumuho na lahat ng mga plano at pangarap. God knows kung gaano ko kamahal ang maliit na rabittang ito. Isang taon na pero tandang tanda ko lahat ng mga rabbiterong naging parte ng pagbangon ko. MARAMING SALAMAT po sa inyo.
Hindi pa kasing dami tulad ng dati, sinusubok sa produce pero di parin tumitigil sumubok. Patuloy parin sa pagrarabbit β₯οΈ
Salamat din sa mga buyer na patuloy parin naghihintay ng mga produce, pasensya na kung hindi tayo makapag out sa ngayon, naguumpisa palang ulit dumami.