Fully Immunized Chikiting 2024 ay Mula sa Brgy Guinhawa South! 🎉🎉🎉
Congratulations sa lahat ng ating mga napakacute at napakatalented na 34 Chikitings mula sa iba’t ibang barangay ng ating lungsod ! Healthy chikitings dahil kumpleto bakuna simula pagkabata!
Bukas simula na ang Ating Oral Polio Vaccine Bakunahan! Para sa mga batang edad limang taong gulang pababa (24 - 59 months old) tiyakin magpabooster ang inyong mga anak sa ating mga barangay health stations
ANG BATANG BAKUNADO, SA TAGAYTAY PROTEKTADO!
Hindi parin nawawala ang banta ng Pertussis sa Probinsya ng Cavite. Manatiling pag ingatan ang ating kalusugan.
KILATIS KUTIS 2024
Matagumpay na naipagdiwang ang Leprosy Control Week sa ating Lungsod nitong nakaraang February 16, 2024 sa Tagaytay International Convention Center sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kilatis Kutis, Dermatological Mission para sa ating mga 4Ps Pantawid members at indigents kasama ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium at Provincial Health Office Cavite
Ito ay ika- 3 taon na isinasagawa na isang priority health program handog ng ating Punong Lungsod, Hon Abraham "Bambol" Tolentino at ng Pamahalaang Lokal ng Tagaytay.
Marami ng salamat sa ating mga health partners❤️
Para sa may mga karamdaman sa balat, maaari parin makakuha ng libreng konsultasyon at gamot sa City Health Office.
Kay saya ng school deworming sa Carlos Batino Elementary School!
Sa mga bata at kabataan edad 1-19 taong gulang, Magpadeworm na ngayon buwan ng Enero! Magtanong lamang sa inyong mga guro sa lahat ng paaralan, public or private school o sa inyong mga barangay health station!
Tiyakan ang kalusugan at nutriyon ng mga kabataan. Ang Deworming ay kahit kanino, walang kontraindikasyon. ligtas, epektibo at libre!
HAPPY BONE AND JOINT AWARENESS WEEK
HAPPENING NOW!
Sabay sabay tayong umindak sa Tagaytay Himno ng Nutrisyon sa darating CITYWIDE SYNCHRONIZED ZUMBA sa September 8, 2023 4pm! 🏃🏼♂️🏃🏼🏃🏼♀️
Gamitin lang ang hashtag na #MoveMoreEatRight
MISIS ETO NA ANG LATEST!
May libre at ligtas na BILATERAL TUBAL LIGATION ngayong darating na Agosto 31 at Setyembre 1, 2023 sa Ospital ng Tagaytay.
Kung napagdesisyunan nio na ni mister na sapat na ang dami ng inyong mga anak, Halina’t magpalista na sa inyong mga barangay health worker o kaya ay mag iwan ng private message sa FB page na ito para sa slots.
Maaring bumalik agad sa trabaho makalipas ng ilang araw lamang. Huwag mag alala, kasama nio kami mula umpisa hanggang sa pag follow check up sa inyong mga tahanan. Libre din ang mga gamot na iinumin.
Dahil ang Pamilyang Planado, sa Tagaytay Umaasenso!
#alagangtagaytay
#alagangtolentino
SIGE NA POGI!
MAGPAVASECTOMY NA!
Libre at ligtas na pamamaraan ng PERMANENTENG Modern Family Planning method para sa mga mag asawa. Kaya pag usapan nio na ni misis kung sapat na ang bilang ng inyong mga anak.
Magpalista na sa inyong mga barangay health workers o mag iwan ng Private Message sa FB page na ito sa libre at ligtas na VASECTOMY sa Ospital ng Tagaytay na gaganapin sa AUGUST 31 at SEPTEMBER 1, 2023
Dahil ang tunay na Pogi, Responsable at nagplaplano!
100 bloodbags as of 11AM
Maraming maraming salamat sa ating mga blood donors na nagtyaga pumila para makatulong 🫰🏻
Tuloy tuloy parin ang blood donation drive sa ANT HALL, City College of Tagaytay
Sa patuloy na pakikibaka natin sa pandemya,
patuloy rin natin pinagtitibay ang serbisyong pangkalusugan ng ating Lungsod.
Mula sa pamumuno ng ating butihing Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, City Health Officer Dra Liza Fe Capupus at CHO units:
City Epidemiology and Surveillance Unit
Animal Bite Treatment Center
TB- DOTS Clinic
Laboratory
Dental Clinic
Family Health Cluster
Non Com and Lifestyle Disease Cluster
COVID-19 Vaccination/ Isolation Team
Admin and Utility
Field Health Team and Barangay Health Workers
Kami ay bumabati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, Tagaytay City!
Brgy Patutong Malaki North on the GO! Sa Bakunahang Bayan!
Halina’t magpabooster Tagaytay!
Tatay‼️
Kayo ba ni misis ay kuntento na sa bilang ng inyong mga supling? Halina at gumamit na ng Permanenteng Family Planning!
‼️VASECTOMY‼️
Simple, libre, mabilis at ligtas lang sa OSPITAL NG TAGAYTAY sa September 30, 2022. Makipag ugnayan sa inyong barangay health station para registration at sa karagdagan kaalaman tungkol sa Family Planning o kaya ay mag iwan ng mensahe sa FB page na ito.
Tara na! Dahil ang Pamilyang Planado, sa Tagaytay, Umaasenso!
Kasalukuyang nagaganap ang Tagaytay Dugoyanihan sa Tagaytay International Convention Center, Kaybagal South Tagaytay City.
Nakapagdonate ka na ba today? Icomment mo na dito ang ebidensya at be proud, bayani ka😘
Sa mga nais magdonate ng dugo, maari pang humabol hanggang 3 PM. Tayo mag alay ng dugo, dahil dakila ang tumulong❤️❤️❤️