Mhae's Backyard Rabbitry

Mhae's Backyard Rabbitry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mhae's Backyard Rabbitry, Pet service, Western Bicutan, Taguig City, Taguig.

Pa reserve na po kayo available na po sila this coming end of the month DOB June 26, 2023Local new zealand 📍Location Cen...
23/07/2023

Pa reserve na po kayo available na po sila this coming end of the month DOB June 26, 2023
Local new zealand
📍Location Centennial Village Western Bicutan Taguig City

26/06/2023

Another blessings!
Thank you so much Lord..
Born today June 26, 2023

17/06/2022
Signs your rabbit is sick
27/05/2022

Signs your rabbit is sick

Ready to Rehoming Pet type LNZ 🥰Name: AvatarGender: BuckAge: 8 months +DOB: September 25, 2021📩 Message me for more deta...
25/05/2022

Ready to Rehoming Pet type LNZ 🥰

Name: Avatar
Gender: Buck
Age: 8 months +
DOB: September 25, 2021

📩 Message me for more details ☺️

🐰🐰🐰
21/05/2022

🐰🐰🐰

12/04/2022

RABBIT FARMING HIGH TECHNOLOGY, MODERN AGRICULTURE, AMZING LIVESTOCK , FARM PROCESSING, LATEST TECHHow to start farming rabbit? How to feed rabbits? How to b...

10/04/2022
Rabbit dying of shock 😲
05/04/2022

Rabbit dying of shock 😲

Friendly reminder 🙂How To Identify Shock in Rabbits and Help Them Recover.
04/04/2022

Friendly reminder 🙂

How To Identify Shock in Rabbits and Help Them Recover.

03/04/2022

😍😍😍🐇

Friendly reminder ☺️
02/04/2022

Friendly reminder ☺️

01/04/2022

‼️COMMON RABBIT DISEASE‼️
👉Cause, Cure, and Prevention👈

Ang rabbit ay isa uri ng hayop na may pinakamaikling gestation period from 28-33 days. Sa kabilang banda, mabilis lang din ang kanilang mortality lalo na kapag dinapuan ng disease. Ang kaalaman sa basic disease ng rabbit at kung paano ito maiiwasan ay makakatulong upang mabawasan ang mortality sa ating pag rarabit.

Karamihan sa mga Disease na ito kapag hindi nabigyan ng atensyon ay Maaring ikasawi sa loob ng 24hrs lamang. Mahalagang mag ready ng mga 1st aid na gamot sa inyong rabbitry.

✅ DIARRHEA
Mga sanhi: Stress, pabago bagong panahon, alimuom ng tubig (kung tubig nawasa), bacteria mula sa tubig, maduming damo/ hay, lumang pellets, maduming cages at building, dumi at ihi ng Daga, ipis at iba pang insecto. Dalawang klase ang normal na poops ng isang Rabbit, yung isa ay maliit na bilog na matigas at yung isa ay kumpol na hugis grapes (cocetropes) na kung saan ay kanilang kinakain pabalik upang makakuha ng vitamina. Halos walang amoy ang kanilang poops. Ang diarrhea naman ay basang poops na mayroong hindi magandang amoy. Kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay ng rabbit sa loob lamang ng 24hrs.

Lunas: Apralyte Sachet. Sa isang sachet na 6g tunawin sa 40ml na tubig. Gumamit ng syringe na tinangal ang needle upang direktang ipainom sa Rabbit ang 20ml. ang natirang 20ml ay ilagay sa water claypot hangang sa maubos nya ito. Tangalin muna ang feeds at palitan ng dahon ng Caimito.

Prevention: ugaliing obserbahan ang behavior ng Rabbit araw araw 2x day habang nagpapakain. Kapag bigla itong umupo at hindi kumikilos, matamlay, I check agad ang pwetan kung basa ng masang sang na amoy. I check ang kanilang poops kung normal na hugis. Panatilihin ang kalinisan sa paligid. LInisin ang mga cages isang beses sa isang lingo at siguraduhin hindi napapa*ok ng daga at iba pang hayop ang building. Maaring maglagay ng mouse trap, pandikit or la*on sa daga. Kung magbibigay ng tubig, magbigay sa umaga at gabi habang hindi pa naiinitan ng araw ang tubig nawasa. Magbigay ng 3 to 5pcs na dahon ng caimito isang beses sa isang lingo.

Wag mag refil ng water from 9am to 5pm kung saan mainit ang tubig kung nawasa ang source of water.

✅MANGE
Sanhi: Maduming Paligid, at mga parasites kagaya ng Fleas, lice at mites. Ito ang Galis ng Rabbit na karaniwang makikita sa ilong, tenga at mga paa na kapag hindi nagamot at magdudulot ng kawalang gana sa pagkain hangang sa manghina ang iyong rabbit.

Lunas: Ivermectin Pour On Lotion. Ipatak sa batok ng Rabbit every other day hangaang sa mawala. Kung ito ay malala na gumamit ng “DECTOMAX”injectibles. Sundin ang tamang dosage sa etiketa.

Prevention: Ihiwalay agad sa ibang kulungan ang infected na rabbit hangang sa gumaling ito upang maiwasang makapanghawa. As prevention, lagyan na din ng Ivermectin Pour on ang mga katabing rabbit na na infect. Ugaliing malinis ang mga cages at building.

✅SORE HOCKS
Sanhi: Sugat sa talampakan ng Rabbit na dulot ng - Poor hygiene, Mahabang kuko, obesity, palagiang pag “Thumping”, kakulangan sa paggalaw, Rough Flooring. Ang sore hocks ay kailangan ng attensyon dahil maaring magdulot ito ng kawalang gana sa pagkain ng rabbit hangang sa manghina ito. Me mga libro din na nag sa sabi na ang sore hocks ay nasa genetic or namamana. Hindi guarantee na kung naka plastic floor matting ka hindi na mag kaka sore hocks ang rabbit mo. Ilan sa symptoms ng sore hocks

- biglang pag baba ng timbang
- hindi pag kilos
- mahina at walang gana.
- sa doe, ayaw minsan mag pasampa

Lunas: upang mabilis na gumaling Gumamit araw araw ng 3in1 antibacterial Wound Ointment upang mabilis ang pag hilom ng sugat hangang sa gumaling ito. Maaring gumamit ng betdine kung medyo maliit pa ang sugat. Mag lagay ng tiles or telang sapin hangang sa gumaling ito.

Prevention: Gumamit ng Rabbit Rest matt (magkaiba ang rest matt na kulay green sa plastic floor matting) . Iwasang ma overfeed ang rabbit at bigyan tamang space ng kulungan. (min is 2ft x2ft / breeder/door). Ugaliing I check ang hocks ng rabbit upang hindi umabot sa advance stage bago gamutin.

✅ BLOATED –
Sanhi: Lumalaki at paninigas ng tyan ng Rabbit dulot ng Gas build sa kanyang digestive system. Ilan sa mga sanhi nito ay sobrang pagkain, Kakulangan sa fiber intake, pagkain ng kanyang “hairball”na sumasama sa feeds, pagpalit ng diet/feeds, sobrang paginom ng tubig at iba pang gawi na maaring maugnay sa digestive problems.

Lunas Kadalasan ay mahirap na itong gamutin ngunit kung maobserv agad ang rabbit na bloated, painumin ito ng Pineapple Juice at pakainin ng Papaya na parehong nagtataglay ng “digestive enzymes bromelein”. Hayaang itong tumakbo ay nakakawala upang matunaw ang kanyang pagkain. Tangalin muna ang feeds at bigyan muna ng pure Hay hangang maging normal ang condition nito.

Prevention: Wag mag overfeed ng pellets. Pumili ng pellets na mayroong 15% minimum Crude Fiber content. Kung may access sa Hay, Mag bigay ng Hay sa Umaga at pellets sa hapon.

✅EAR MITES
Sanhi: maduming bedding, pagkain at paligig na maaring nagdadala ng “Mites”or itlog nito na maaring ipasa mula sa isang rabbit sa iba pang rabbit. Mapapansing may kumpol ng Dark Ear Cakes sa magbilang tenga ng rabbit.

Lunas: Patakan ng Castor Oil ang magkabilang tenga daily. Kung severe at visible ang mga dark dirt sa kanyang tainga, gumamit ng cotton buds na may castor oil at tangalin ito. Araw araw itong gawin hangang sa mawala ang mga dirt build ups. Mag inject ng “Dectomax” 1x a week for 2weeks. Ihiwalay ang infected na rabbit at maglagay Ivermectin Pour On Lotion sa mga katabing rabbit bilang prevention sa posibleng paghahawa nito.

✅RABBIT MASTITIS
Bukol sa mga dede ni Dam na may kasamang sugat na resulta ng bacterial infection or Hormonal Cystic.

Lunas: gamit ang SMP 500g antibacterial. Hatiin ito sa dalawa. Tunawin sa 20ml na tubig at iforce feed sa Dam. Gawin ito sa loob ng 5 to 6days. Kung me mga kits pa si dam, ihiwalay na muna ang mga kits upang hindi sila magawa. Hindi na din kasi mag bibigay ng gatas ang Dam kung may mastitis ito kaya ma buting ipa ampon muna sa ibang dam.

Huwag munang I reed ang Dam hangat hindi lubusang gumagaling ang sugat or bukol nito.

Kung malaki na ang bukol Maaring paputukin ito gamit ang sanitize blade at saka tahiin. Linis an ng betaine after ng procedure.

Prevention: Good Sanitation and cleanliness of cages lalo na kung plastic matting ang ginamit mo. Sa aking experience mas makakabuti ng sa wire floor na me rest matt lang muna ilagay ang mga breeder Doe. Ang plastic matting ay nangangailangan ng araw araw na pag lilinis upang hindi kumapit ang dumi at bacteria sa dede ni Dam habang nag pa dede sya.

Gawing Regular observation and manual diagnostic of rabbits breast during lactation upang icheck kung may bukol ito.

✅SIPON AT UBO
Karaniwang ngyayari sa pabago bagong kondisyon ng panahon, allergies mula sa mga dumi, masangsang na amoy, chemicals at usok ng sigarilyo.

Lunas: bigyan ng 3 to 5pcs na dahon ng oregano 2x a day hangang sa maging okei ang rabbit. Kung matindi na ang ubo at sipon maaring gumamit ng “Norfloxacin”

Summary of 1st Aid na dapat mayroon ka bago mangayari dumating ang mga disease na ito.
1. Apralyte 6g sachet
2. Ivermectin Pour On Lotion
3. SMP 500 antibacterial. (mastitis)
4. Access sa Dahon ng Oregano at Dahon ng Caimito
5. Castor Oil at Cotton buds
6. Betadine at antibacterial Wound Ointment

--ctto

What Your Rabbit's Sleeping Position Reveals About Their Personality, Health and Character 🐰🐰🐰
29/03/2022

What Your Rabbit's Sleeping Position Reveals About Their Personality, Health and Character 🐰🐰🐰

Rabbit Body LanguageA rabbit’s sleeping position can reveal a lot about their personality, health and how they are feeling. This guide breaks down the most c...

Making Your Own Hay
29/03/2022

Making Your Own Hay

How to warm Up a Cold Baby Bunny
28/03/2022

How to warm Up a Cold Baby Bunny

REMINDER lalo n sa mga newbie. hindi po dpat pinapaliguan ang rabbit,magaling po cla mg linis ng body nla.ang key para m...
28/03/2022

REMINDER lalo n sa mga newbie.
hindi po dpat pinapaliguan ang rabbit,magaling po cla mg linis ng body nla.ang key para malinis palagi ang alaga is, PROPER DIET,at malinis na bahay nla..pag laging nglilinis ang rabbit it means happy po cla.,kung naging dugyot,meaning may mali sa pg aalaga nnyo.. nasa kamay po natin ang buhay ng alaga natin kaya be open minded,mg research po tayo or mg tanong muna bago tayo may gawin sa alaga natin. ang rabbit ay iba sa pusa at a*o. mas sensitive po ang rabbit kaya sana mas responsible po tayo sa pg-aalaga sa kanila pra tumagal nman buhay nla.. LAMANG ANG MAY ALAM.

28/03/2022

28 days na sila today 🐇🐇🐇🐇
Cutest tignan 🥰❤️
DOB: March 1, 2022
Upgraded New Zealand

28/03/2022

Batch 1
Mother Doe Yuki: Upgraded New Zealand
Father Buck Eugene:

Cute baby bunnies 40 days for rehoming 🥰🐰

🐰super fluffy na nila!
Perfect for gift or pet.
🐰DOB February 17, 2022
🐰All Buck (Male)
🐰 Location: Centennial Village Western Bicutan Taguig City

📩 Send us message for more info 🙂

For rabbit 1 year and up 😊
18/03/2022

For rabbit 1 year and up 😊

15/03/2022

The Rabbit Caring Guide

Rabbits are one of the most wonderful creations of our Almighty God so they deserve to have a good bunny parents and give the proper care for them.

Basic terminologies:

Buck/Sire- male
Doe/Dam- female
Kits-baby rabbits
Kindling-panganganak
Litters-dami ng anak
Weaning-pagwawalay

Ano nga ba ang mga kinakain ng kuneho?

Commercial Pellets:
-Bantrade, integra 3000, Gmp3

Grasses and Leaves:
- Nappier grass, Paragrass, Star grass, talahib
-Madre de Agua leaves, Mulberry leaves, Banana leaves,Malunggay
-Hay/tuyong damo
-Tubig

PROPER FEEDING:

-Ang pagpapakain ng pellets ay sa umaga at hapon lamang sa daming 40grams sa palakihin at 70 grams sa lactating/nagpapasuso

-Unli grass at hay sa buong araw upang maging balanse ang kanilang kinakain

-Mahalaga na panatilihing may inuming tubig ang rabbits

-Maaring magbigay ng prutas gaya ng saging,mansanas,mangga,grapes,strawberry atbp. ngunit ibigay lng ito as treats sa knila at small amout lng dpat at siguraduhing natanggal ang buto nito

-Ang ihi ng rabbits ay nakadepende sa kinakain nla kaya no need to worry kpag napansin nyo na iba ang kulay ng ihi nla

Natural Vitamins for Rabbits:

-FERMENTED OREGANO- makakatulong pra makaiwas cla sa sipon at iba pang sakit. Maghanda lamang ng magkasing daming amount ng fresh oregano na hiniwa at molases/pulot at ilagay ito sa isang container na may takip at takpan ng mabuti at antayin maferment ng 1-2 weeks at pede nh ipainom sa mga rabbits naten. Paalala:huwag lalagyan ng tubig habang pineferment hayaan lamang na ang molases at oregano lng ang nakalagay sa container

-Maari din ipakain ang fresh oregano sa knila. Magbigay lamang ng isang dahon ng fresh oregano araw araw

APPLE CIDER VINEGAR- maraming pakinabang ang ACV sa rabbits in terms of their health lalo na sa fertility ng mga breeding doe. Sa isang galon ng tubig maglagay lamang ng 2-3 tbsp ng ACV at haluin at pede na ipainom sa kanila

Mga Pagkaing dapat iwasan:

-KANGKONG- ang kangkong ay nagtataglay ng high water content na maaring magsanhi ng diarrhea sa kanila
-maaring ipakain ang kangkong at camote tops basta kpag pinitas ngaun bukas na ng hapon ipakain upang malanta na at mabawasan ang sobrang tubig nito

-CARROTS- ang carrots ay nagtataglay ng high sugar content na maaring makasama sa kanila ang ipakain na lamang ay ang dahon ng carrots

- CABBAGE AND LETTUCE-maari clang magkaroon ng diarrhea at GI stasis kpag pinakain cla nito

-DAHON NG IPIL-IPIL- iwasang magpakain nito lalo na sa mga breeding bucks dahil maaring magresulta ng pagiging impotent/pagkabaog ng mga bucks naten

Pinapaliguan ba ang rabbit?

-Hindi. Maaring magkasakit ang rabbit kpag pinaliguan akala natin mabuti sa knila pero hndi natin alam isa ito sa pinaka ayaw nla. Maaring punasan nlang ng basang tela dahil ang rabbit ay parang pusa sanay silang maglinis ng sarili nila

CAGES

-all wired cage
- flooring- 1/2 x 1/2 welded wire
-sidings- 1 x 1 welded wire
-Cage size must be 2ft x 2 ft x 1ft

Ilagay ang rabbit cage sa malilim na lugar gaya ng ilalim ng puno o igawa sila ng sariling housing upang maprotektahan sila sa init at sa ulan

Ano gagawin kapag may sintomas ng heat stroke?

-karaniwang sintomas ng heat stroke ay ang biglang nagseizures/pangingisay o kaya bglang panghihina ng rabbit

- ang first aid ay punasan ng basang tela ang bandang tenga at batok o kaya nman ay ibalot ito sa tela upang mabawasan ang high temperature nito at ilagay sila sa malamig na lugar

Ano gagawin kpag nag diarrhea?

-ang sintomas ng diarrhea ay ang bglang paglambot ng dumi at malamig ang tenga ibig sabihin nadehydrate na sya
Magpakain ng dahon ng caimito o kaya ilaga at ipainom ito

-alisin ang pellets at magpakain lamang ng hay at air dried na grasses
Kapag ayaw uminom ay kumuha ng syringe alisin ang needle at iforce ng ipainom sa knya

-maglagay din ng dextrose powder o kaya pedialyte pra hndi sila madehydrate

Ano gagawin kapag may mange/mites/galis??

-magpahid ng virgin coconut oil, pinaglangisan ng niyog o kaya cooking oil sa infected area

Maari din magdikdik ng dahon ng madre de cacao at ipahid ito sa infected area

Kpag ayaw gumaling ay maaring magpainom ng ivermectin powder o kaya mag inject ng ivermectin pero consult expert pra sa proper dosage ng gamot

Kapag over grown ang ngipin at kuko ano gagawin??

-ang pagkakaroon ng overgrown teeth ay dahil sa pellets na kinakain nla kaya mainam na magbigay ng mga damo o kaya mga sanga ng puno gaya ng malunggay

-palagiang itrim ito pra sa kaligtasan ng bunnies at pra na din sa atin

Nakagat ako ng rabbit may rabies ba sila??

-ang rabbit ay hindi nagtataglay ng rabies dahil domesticated animals sila at all natural ang kinakain nla di gaya ng ibang pets

-hugasan lamang mabuti ang parte na nakagat

FYI:

Rabbits are not a family of rodents they are family of leporids same with hare

Breeding/Mating:

1. Ang rabbit ay nagmamature pagtungtong ng 5-6 months,ibig sabihin pede na silang magbuntis
2. Ang doe ang dadalin sa cage ng buck dahil teritorial ang rabbit kpag ang buck ang inilagay sa cage ng doe ay aawayin nya ito at hndi magmate ang dlawa
3.Paano masasabing successful ang mating? Kpag ang buck ay sumampa sa doe at bgla syang tumumba at nakarinig ka ng sound at bgla syang pumadyak/stomping ibig sabihin successful sya
4. Dpat ay maka 3-5 times na successful sa araw din na un ay aalisin na ang buck sa doe
5. Ilista ang araw na naging successful ang mating at bumilang ng 30-35 days
6. Maglagay ng nestbox sa ika 25th day ng pregnancy upang maging handa ang doe sa gagawin nyang pagnesting
7. Mahalaga ang pagtatala ng araw kung kelan ang breeding,sino ang buck,sino ang doe, kailan ilalagay ang nestbox, kelan ang kindling, kelan ang weaning
8. Hindi advisable ang pagbreed ng magkapatid na rabbits dahil maari itong magresulta ng pagkakaroon ng deformities sa mga kits nito
9. Pwede ang mother and son, father and daughter
10. 1 buck 10 does ratio

FYI:

-Ang rabbit ay ang natatanging hayop na hndi naglalandi at tanging hayop na kayang magbuntis ng 2 sets of litters

-kailangan 1 rabbit 1 cage lamang dahil teritorial ang rabbit pagtungtong nla ng 3 months ay dpat paghiwalayin na sila dahil mag aaway ito at maaring magresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila

-Ang average litter ng rabbits ay 5-8 kits

Kaunting Kaalaman:

The highest litters of a single rabbit doe is 24 kits and it came from the new zealand white breed on 1978 and followed by the year 1999 on the same breed

COMMON PROBLEMS ON MATING:

- may mga doe na ayaw magpamate. Ang dapat gawin ay paglayuin ang cage ng doe at buck kung magkatabi sila ng cage nula pagkabata upang maiba ang amoy ng doe at kapag isinama ay magpapamate na sya . Maari din na pagtabihin ang cage ng buck at doe kpag simula pagkabata plang ay magkalayo na sila upang masanay ang doe sa amoy ng buck

- kapag ayaw talagang magpabreed gawin ang force breeding maaring itaas ang buntot at alalayan ang doe upang maabot ng buck ang successful breeding

PREGNANT AND NEWLY BORN CARE:

- ang ideal weight pra magbuntis ang rabbit ay nsa 2.5-2.8 kilos lamang depende sa breed gaya ng new zealands

- ang rabbit ay nagbubuntis lamang sa loob ng 30-35 days

- ang rabbit ay magsisimulang magbunot ng fur at maghakot ng mga damo sa nestbox sa ika 28-30 days of pregnancy nla

-ang rabbit ay ipinapanganak ng wlang mga fur magsisimula lamang itong tumubo sa loob ng 3-5 days

-kpag nakaalis ng nestbox ang kits himasin lamang ang doe upang lumipat sa kamay naten ang amoy ng doe at ibalik na naten ang kits

-dahil nsanay na or domesticated na sa atin ang rabbits kahit hawakan naten ang kits nla ay okay lng hndi nman nla iaabandon ito pero practice pa din naten ung paghimas muna bago hawakan upang makasigurado tayo

Take note:

-Wag maglalagay ng damo sa loob ng nestbox, ilagay lamang ito sa tabi at hayaang ayusin at hakutin ng doe sa knyang nestbox"Mama knows best"

Common problems:

-may mga doe na hndi nanganganak sa nestbox kaya bago ilipat ang kits ay himasin mabuti ang doe para malipat ang amoy ng doe sa kamay naten

- may mga doe na hindi nagnenesting at nagbunot ng fur. Maaring mag gupit ng paper cuttings at mga hay at ilagay sa nestbox pra mainitan ang mga kits

-may mga doe na ayaw magpadede ng kits. Maaring iforce feed ang kits gawin lamang na hawakan ang doe habang nasa nestbox upang makadede ang mga kits ng maayos

-malalaman na nakadede ang kits kpag malaki ang tiyan at may puti sa loob nito

-may mga doe na mahina o walang gatas. Magpakain ng malunggay at tamang dami ng pellets at sapat na tubig

-siguraduhin na tahimik at malayo sa predators ang mga cage upang maiwasan ang pagkain ng mga doe sa kits nla dahil ang rabbit ay overprotective kpag may danger sa paligid inuunahan na nlang kainin ung kits nla bago pa kainin ng ibang predators

-sa loob lamang ng 30-35 days ay pede ng iwalay ang kits

-practice ang 70 days cycle. 30 days sa pregnancy 30 days sa lactating at 10 days na pahinga then breed na ulit ang doe

TAKE NOTE:

-Buy rabbits on breeders not on petshops,tiangge or sidewalk vendors dahil mas alam ng breeders lahat ng detalye ng rabbits na gusto mong bilhin at nakasisigurong ligtas sa ano mang sakit bago ito ibenta sa mga gustong maging bagong bunny parents

-Research muna bago mag alaga ng rabbits pra maibigay natin sa kanila ang tamang pag aalaga sa kanila at ugaliing magbasa at iapply ang mga natutunan mo kpag isa kanang bunny parents

Credits to: Justin De Leon

15 things rabbits hate the most
12/03/2022

15 things rabbits hate the most

In this video, we’ll discuss the top 15 things that rabbits hate and you should avoid.High TemperaturesRabbits prefer temperatures of about 60–65 degrees Fah...

14 things rabbit love the most
12/03/2022

14 things rabbit love the most

There are a few things in this world that rabbits like more than a fresh meal. In this video, we will discover 14 things rabbits love the most. BananasAltho...

HOW DOES  APPLE CIDER VINEGAR  HELP RABBITS?🐰 Mix 1-2 spoon of ACV to 1.5litter of water 🐰Proven and Tested 💯 %Just like...
04/03/2022

HOW DOES APPLE CIDER VINEGAR HELP RABBITS?

🐰 Mix 1-2 spoon of ACV to 1.5litter of water 🐰
Proven and Tested 💯 %

Just like humans, rabbits need trace minerals and vitamins to stay healthy. Apple cider vinegar contains pectin, vitamins B1, B2, and B6; biotin, folic acid, niacin, Pantothenic acid and vitamin C as well as trace minerals including: sodium, phosphorous, potassium, calcium, iron and magnesium. In addition, apple cider vinegar helps to keep your pet free from parasites and infections due to naturally occurring malic and acetic acid. However, be sure to only buy raw, unpasteurized vinegar, as cheaper, processed varieties will be lacking all these benefits.

✓🐰Feeding your rabbits ACV helps to prevent urinary tract problems.

✓🐰Apple cider vinegar helps to regulate pH levels, this also benefits skin infections and weepy eyes.

✓🐰Adding apple cider vinegar to your rabbit's diet can improve digestion and increase nutrient absorption levels throughout the G.I tract.

✓🐰It is thought that apple cider vinegar is able to booth boost fertility rates and reduce infant mortality in rabbits.

✓🐰Apple cider vinegar reduces parasites, including mites and fleas.

✓🐰A natural cure for mastitis, backed up by veterinary studies.

✓🐰Apple cider vinegar can also be used as a chemical free cleaner for cages and hutches.

✓🐰ACV is safe for rabbits of any age and even pregnant rabbits can benefit from the vitamins and minerals it offers.

✓🐰Adding ACV to water changes its pH level and is known to help animals suffering from arthritic condiitsns.

✓🐰 Rabbits like the taste of ACV and drink more water, resulting in better hydrated rabbits

Ccto: GrabbitsPH

🐰🐇SOME RABBIT BREEDS AND COLORS🐰🐇Cct: Ljs Rabbitry
04/03/2022

🐰🐇SOME RABBIT BREEDS AND COLORS🐰🐇

Cct: Ljs Rabbitry

  🐰G U T   S T A S I S🐰🐇SANHI AT PANO MAIIWASAN🐇>🐇AKA  ileus, gastrointestinal stasis and GI stasis. Ang gut stasis ay i...
04/03/2022




🐰G U T S T A S I S🐰
🐇SANHI AT PANO MAIIWASAN🐇

>🐇AKA ileus, gastrointestinal stasis and GI stasis. Ang gut stasis ay isag nakamamatay na kondisyon ng mga rabbit. Nangayayari ito kapag ang normal na galaw ng mga bituka ay bumabagal o humihinto. Dahil dito, dumadami ang mga bad bacteria sa GI tract na nagudulot ng bloating. At dahil bloated, nawawalan ng ganang kumain at uminom ang mga rabbit. Ang resulta, dehydration at kakulangan sa nutrisyon. Kapag tumagal, natutuyo ang mga pagkain o dumi sa bituka, at kalaunan ay magiging obstruction na maaari lamang magamot sa pamamagitan ng operasyon.,Kaya pinaka importe sa lahat Proper Diet ng ating alaga para maiwasan ito at iwasan pakainin ng kong ano.

🐰MGA SANHI NG GUT STASIS🐰

-Dental Infections
-Urinary infections
-Hangin sa sikmura/bituka dahil sa di sapat na nutrisyon
-Stress
-Lack of water
-Lack of exercise
-Obesity
-Long term use or unsafe use of antibiotics
-Low fiber, high carbohydrate/fat diet

Ang mga ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagsigurong wastong nutrisyon ang natatanggap ng mga rabbits at maayos ang kanilang environment.

🐰PAANO NAKAKATULONG ANG PROBIOTICS SA PAG-IWAS SA GUT STASIS🐰?

1) And pagbibigay ng Probiotics ay isang epektibong paraan upang masiguradong naa-absorb ng maayos ng mga alagang rabbits ang nutrients sa kanilang pagkain.
2) Nakakatulong din itong labanan ang mga bad bacteria para mapanatili ang normal ng galaw ng gut.
3) Ibinabalik nito ang balanse ng bacteria sa gut ng mga rabbit, lalo na pagkatapos uminom ng gamot o antibiotic.

If you are looking for NO chemical, NO preservative, NATURAL supplement that will strengthen your rabbit's immune system and help in fighting against harmful pathogens, use RAPID PRO Probiotics Or Lacto Biotics to Avoid Gi Stasis Again Always Give Proper Diet to Our Bunny Para maiwasan ang Gi Stasis Happy Keeping EveryBun sana Makatulong po Ulit♥️

Photo Ccto:Rapid Pro

How long do you leave rabbits together to breed?
03/03/2022

How long do you leave rabbits together to breed?

IN WILD THEY LIVE IN ELABORATE TUNNELS CALLED WARRENS
03/03/2022

IN WILD THEY LIVE IN ELABORATE TUNNELS CALLED WARRENS

HOW LONG DO RABBITS LIVE?
03/03/2022

HOW LONG DO RABBITS LIVE?

Address

Western Bicutan, Taguig City
Taguig
1630

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mhae's Backyard Rabbitry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category