21/01/2025
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Inianunsyo na ng DOST-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) na kasalukuyang nararanasan sa tropikal na Pasipiko ang La Niña. Inaasahan na magpapatuloy ito hanggang Pebrero 2025. Gayunpaman, may 65% posibilidad na bumalik ito sa ENSO-neutral pagsapit ng Marso hanggang Mayo 2025. Asahan ang mas madalas na pag-ulan kaysa sa normal sa unang tatlong buwan ng 2025.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda at maging alerto para sa posibleng epekto ng La Niña. Patuloy na makinig sa mga anunsyo ng PAGASA at sundin ang mga hakbang sa pag-iwas sa mga epekto ng posibleng sakuna dulot ng matinding pag-ulan na lubhang makaaapekto sa sektor ng agrikultura.
Patuloy na maging hanDA sa La Niña para tuloy ang produksyon at kita.
Para sa karagdagang impormasyon: https://www.da.gov.ph/wp-content/uploads/2024/06/La-Nina-Brochure-June-2024.pdf?fbclid=IwY2xjawH4gLpleHRuA2FlbQIxMAABHd5Qf9Tod1os1pgX2npOmPw5Lyz_xITKHE6wTGKhk0Fn9MAmVCVfuOqx4Q_aem_osCqAuUfk8M1eB9mZrverA
Department of Agriculture - DRRM Operations Center