25/08/2023
'NAG SAMGYUP LANG, NAGKA FOREVER NA 😍
Isang nakakakilig na video ang nag viral kamakailan sa Tiktok kung saan makikita si Danna, isang single mom, teacher, na kumakain sa isang resto ay surpresang inalok ng kasal ng boyfriend na si Kevin, food attendant sa naturang kainan.
"Nagkakilala kami sa most famous korean restaurant "Mr. Won's Samgyeopsal" sa lugar namin. Food Attendant sya doon. Madalas naman akong kumain don before and lagi ko syang napapansin talaga kasi super singkit ng eyes nya lalo at nakafacemask. So doon nagumpisa ang lahat.
"Hindi madali ang naging umpisa namin knowing na he came from a 9 year relationship and they had 2kids. Ako naman is single mom of 1 for 6years.
"To make the long story short, we decided to enter marriage on the 5th month of our relationship. YES, too early ika nga ng mga nakararami pero the both of us firmly believe na "It's not always about the time, or how long you've been together, it's about the person, it's about the love".
"June 26,2022, niyaya ako ng bestfriend ko na magsamgyup, syempre sa workplace ng aking boyfriend. I don't have the instinct or clue na may magaganap na proposal that evening. Nagulat nalang ako kasi biglang namatay yung music ng resto and biglang may nagsaxophone playing our theme song which is "Ordinary Song" . Doon na nagumpisa ang lahat na kiligin. Knowing that he can't give me that much, he still managed to do such thing na pinapangarap at dinarasal ng isang babae.
"Imagine, sa Mr. Won's kami nagkakilala, doon din nagpropose and doon din kami nag Prenuptial Shoot. Malaking parte ng buhay namin ang workplace ng asawa ko ngayon.
"July 25,2022 when we got married. Simple lang, civil wedding lang. Yung pinapangarap ko noon na isang tapat, mabait at mabuting asawa na tatanggapin ako lalo na ang anak ko ng buong buo ay binigay ni Lord. Bonus points pa, may instant 2kids na din ako. Triple ang saya na nabibigay samin ng tatlo naming mga anak at ngayon, we have our new bundle of joy. I just delivered our bouncing baby boy last April 26,2023 via CS.
"Wala sa haba ng pagsasama ang isang happily ever after. Always believe and trust God's will. Hindi man maayon ang buhay natin sa pinangarap natin or sa gusto natin, dadalhin naman nya tayo sa alam nyang tama at makabubuti sa atin. His plan is better than ours. Trust his timing" kwento ni Danna sa KAMI.
Photo by Danna Patricia Matchimura-Cusi (Facebook)