11/09/2024
Maraming napukaw sa isyu ng diskriminasyon sa kapwa ko Aspin sa isang resto. Maraming nagalit, nag-ayang mag-boycott, at marami ring biglang lumitaw na sila ay "pet-friendly" establishment kahit di natin sigurado kung bukal ba sa puso nila o parte lang ng "marketing strategy" ika nga.
Ang insidenteng nangyari ay hindi lamang ang una at isang beses lang nangyari. Maraming tulad kong Aspin ang nakakaranas ng bulgarang diskriminasyon.
Sa mga di pa nakakaalam, ako po si Andie. Isa po akong Aspin at Askal. Askal kase sa kalye na po ako nabuhay. Asa lang po ako sa makalkal kong basura at kung may mabuting puso na bigyan ako ng maayos na pagkain, swerte na pong maituturing at sobrang pasasalamat na po talaga.
Noong ako ay masagasaan, wala pong gusto akong irescue. Kase nga po Aspin ako. Hindi rin na-share sa social media ang sinapit ko po kase Aspin po ako. Pero kung husky, labrador at iba pang breed ang masagasaan, lahat po ata ng madlang pipol ay gusto magrescue.
Nung ako na po ay marescue, nagfundraise para sa operasyon ko. Pero bilang po ang mga tumulong. Sila ang masasabi ko na talagang may tunay na puso pagdating sa hayop lalo na sa Aspin na tulad ko. Pero kung pitbull, pomeranian at iba pang breed ang magfundraise para sa operasyon nila, kahit merong owner yan, panigurado maraming tutulong.
Pag ang pina-adopt po ay tulad kong Aspin, puro UP lang. Hanggang Up, Up, and Away!
Ilan lamang po ang mga eksena na yan sa diskriminasyon sa aming mga Aspin.
Nakakalungkot na isang Aspin ang na-discriminate pero batalyon ang umalma. Pero kami sa shelter na puro Aspin, nakalimutan na.
Minsan sasabihan pa nila ang shelter na "bakit kase rescue ng rescue?"
Sa totoo lang po, kung walang shelter ang Aspin Academy, hindi na po namin alam ng mga kapwa ko Aspin kung sino pa pwede tumanggap sa amin. Dahil panigurado, madidiscriminate lang uli kami.
Hindi po matatapos ang diskriminasyon sa mga Aspins. Nakakalungkot na sa sarili nating bansa, dito pa kami nakakaranas ng diskriminasyon at mula pa sa mga Pilipino.
Sana dahil po sa nangyari, isipin po natin na hindi lang iisa ang Aspin. Tingin po kayo sa paligid ninyo sa labas, may isang Aspin po kayong makikita na kailangan ng pagtatanggol at pagmamahal ninyo.
At ako po na si Andie at lahat ng Aspins sa shelter ay kailangan ang pansin ninyo. Kailangan po namin ang tulong ninyo🙏🐾💙
Spread love💙
Be Kind🙏
WE STAND FOR ASPIN🐾