29/02/2020
Hobbyist of the Week
Angelito "Payat" Aquino Hernandez
π Founder of B.E.P. Mindanao Chapter
π 35 years old
π Businessman
π Davao City
Bago ko po simulan ang detalye tungkol sa ating Hobbyist sa linggong ito ay nais ko muna siyang pasalamatan ππ. Sir Payat, maraming salamat po sa lahat ng iyong naiambag sa ating hobby, salamat sa pagpapanatili ng kaayusan ng bawat miyembro ng B.E.P. sa buong Mindanao, sa pag-intindi sa mga baguhan, sa haba ng pasensya sa lahat ng hndi pagkakaunawaan ng bawat miyembro ng grupo, sa pagaasikaso at suporta sa lahat ng shows ng B.E.P., sa walang sawang pagbigay ng payo sa mga baguhan na nais matuto kagaya ko, sa dedikasyon at pagmamahal mo sa hobby, at higit sa lahat..sa pagiging napakabuti, maaasahan at mapagkakatiwalaang Leader πππ. Kahit na sobrang layo na ng narating mo sa kulturang ito ay nanatili ka paring simple at mapagkumbaba. ππ
Alam po nating lahat na hindi biro ang magkaron ng napakataas na posisyon sa isang napakalaking grupo kagaya ng B.E.P., kung kaya't nakakasiguro ako na kung hndi dahil sa iyong pinakamamahal na asawa ay hindi mo mararating kung ano ka ngayon, siya at ang iyong buong pamilya ang naging inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Maraming salamat po Ma'am Jie M. Hernandez sa walang sawang pagsuporta kay Payat sa lahat ng bagay, sa hirap man o ginhawa.
Para sa kaalaman po ng lahat, kung ano po ang pagmamahal at dedikasyon ni Payat sa hobby na ito, at sa bawat miyembro ng B.E.P. ay ganun rin po si Ma'am Jie. Si Ma'am Jie po ang nagaasikaso sa mga nais magpamiyembro sa B.E.P., siya rin po ang nagaasikaso at nagpapaalala sa mga hobbyists na gstong sumoporta at magpadala ng entries sa mga shows na nasa labas ng Davao City, at syempre dahil sa kanyang suporta kay Payat ay nanatili ang kaayusan at kapatiran ng lahat ng members ng B.E.P sa Davao City at maging sa buong Mindanao ππ.
Maraming salamat po Payat and Ma'am Jie π.
Noong kabataan pa ni Payat ay nakahiligan na nya ang pag-aalaga ng Betta, paborito nya ang mga longfins noon at ito ay kanilang dinadayo upang literal na ipaglaban sa ibang Betta sa mga arena, literal na FISH FIGHT ang kanyang nakahiligan noon.
Taong 2006 ng nagsimulang maging active sa lahat ng shows si Payat, nabanggit nya rin na 200 pesos per entry pa daw noong mga panahon na yon, at sa sobrang excited nya raw ay nilalagay pa nya sa mga deli cups ang kanyang mga Betta para lang hindi masira ng mga fins nito..
Sa mga hindi nakakaalam si Payat ay naging Breeder, Groomer, at Partner ng isang tanyag at kilalang aktor na sa kasalukuyan ay isang Mayor na, walang iba kundi si Ormoc City Mayor RICHARD GOMEZ π±π±π±π±.
Taong 2016 at 2017 ay naging active sa mga palaro si Payat at Mayor Richard Gomez, marami na rin silang naipanalong isda sa lahat ng mga shows na kanilang sinalihan. Ang iilan sa mga isdang naipanalo nila ay isasali ko sa pagupload ng post na ito, sa sobrang daming isda na kanilang naipanalo ay halos hndi na rin nakunan lahat ng litrato, kaya pagpasesnsyahan nyo na po dahil ang mga litratong ipopost ko ay kakaunte lamang ππ.
Hindi lang pag-aalaga ng mga betta ang nakahiligan ni Payat, pinasok nya na rin ang pag-aalaga ng mga Flowerhorn, at active rin sya sa mga shows, marami na rin syang Trophies and Plaques na napanalunan gamit ang kanyang napakagandang mga Flowerhorn.
Halos lahat naman daw ng uri ng Betta ay naging paborito ni Payat, kung kaya't napagisipan na lang niyang pagsunodsunorin ito mula sakanyang pinakapaborito.
1. HMPK
2. Halfmoon
3. Crown Tail
4. DTHM
5. Dumbo
Ang kanyang mga paboritong kulay ng Betta ay Copper, Blue, White at Red.
Ito po ang mensahe ni Payat sa lahat ng mga hobbyists sa buong Pilipinas.
- If you failed, stand up and don't give up, learn more, breed more, and focus on grooming, strive more, do not be afraid to join every shows and never lose hope. Keelp calm and become a winner, and always STAY HUMBLE.
Maraming salamat po Payat and Ma'am Jie, good luck sa inyong bagong business, stay kind and humble, more blessings to come π.