15/01/2024
"SOBRANG MAHAL NA NG FEEDS AT GAMOT"
Ito ang dahilan bakit mahal ang manok. Maliban sa pagkain gamot vitamins. Yung mga ganitong gastusin di alam ng ibang buyer. Tatawaran halos kalahati sa presyo tas pag nakita price sasabihin sobrang mahal. Mula pala sa materiales madugo na ang kailangan na puhunan tapos aantayin mo pa sila magkaitlog mula sa broodhen at broodcock gamot na agad yan. Para kondisyon, pagkain di pwede tipidin. Pag naipon na itlog 21days kung kulimlim 18 to 21 days kung incubator halaga ng incubator tas kuryente. Pag napisa syempre kailangan may brooder may ilaw ulit tas vitamins at patuka na din. Habang lumalaki mas lumalakas ang pakain tas pag may nagkasakit gamot ulit. Sa loob ng ilang buwan o taon tuloy tuloy ang kain at vitamins. Take note wala pa jan yung sarili mong pagod sa gastos nlng muna tayo. Ngayon pag nababasa nyo to sana marealize nyo ang gastos at hirap ng pagiging breeder. Pero ito ang nakahiligan namin tanggap namin kung may mga taong di kayang tanawin ang mga bagay na to. Si buyer bibili yan maglalabas ng pera tapos nun may manok na sya pero di nya alam ang pinagdaanan bago nya nakuha ng maayos ang isang manok. Sa lahat ng breeder saludo ako sa inyo dedecation sa inyo nakahiligan. Wala po akong masama ibigsabihin dito. Sa mga buyer marami pa din ang mga nakakaintindi saming mga breeder. At ako po ay humahanga sa inyong lahat. Bagamat may mailan ilan na di pa lubos na naiintindihan naway dumating ang panahon at mabasa nyo ito. Upang inyo maintindihan ang sakripisyo ng isang breeder.
Libangan🐓
Masaya🐓
Marami nakikilala🐓
Nawawala stress🐓
Pag nakikita mo silang masigla🦘
O kung ano pa man💪
Masaya kami sa pinasok namin.😊
Salamat po. God Bless to all mga kasabong🙏🙏🐔🐓😊
:To all breeder please copy paste and share input your own photo.
Thank you😊
CTTO.