12/03/2024
📌 Free spay and castration
https://www.facebook.com/share/RLxBpMXQsEWP2ruo/?mibextid=CTbP7E
LIBRENG KAPON AT LIGATE PARA SA MGA ALAGANG A*O AT PUSA
Muling inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni KGG. ANTHONY F. GENUINO sa pakikipagtulungan ng Biyaya Animal Care Foundation ang LIBRENG KAPON AT LIGATE PARA SA A*O AT PUSA sa darating na Marso 21, 2024 (Huwebes); 8:00 ng umaga na gaganapin sa Activity Area, Municipal Hall, Brgy. Timugan Los Baños, Laguna.
Mayroon pong pre-registration para sa unang 200 alagang a*o at pusa na may edad na anim na buwan hanggang limang (5) taong gulang. Ang pagpapalista ay limitado lamang po sa DALAWANG alaga kada SAMBAHAYAN (2 PETS/HOUSEHOLD). Para sa mga nais magparehistro, magsadya lamang po sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor o tumawag sa numerong (049) 531-7849.
Makakatanggap po kayo ng text message ng kumpirmasyon ng inyong registration at oras/schedule ng inyong pagpunta. Ang programa pong ito ay para lamang sa mga mamamayan ng Los Baños.
Maraming Salamat po!
MGA DAPAT TANDAAN KUNG MAGPAPAKAPON/ MAGPAPALIGATE NG A*O AT PUSA
• Ang alagang a*o o pusa ay dapat hindi bababa sa anim (6) na buwang gulang upang mapakapon/ maligate. Ang alaga ay maaring i-ligate dalawang (2) buwan matapos manganak.
• Ang mga pusa ay maaaring kapunin/ligate kahit sila ay in-heat. Samantala, ang mga a*o ay hindi maaring kapunin/ligate habang in-heat, kailangang matapos muna ito bago kumuha ng schedule.
• Inirerekomenda ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na ipa-blood test ang inyong alaga bago ang schedule ng pagkapon/pagligate.
• Ang bawat alagang pusa ay dapat may sariling carrier o kulungan. Lagyan din ng pangalan ng alaga ang carrier o kulungan.
• Lahat ng alagang a*o ay dapat nakatali o may leash.
• Ang alagang a*o ay hindi dapat pakainin o painumin 8 oras BAGO ang kanilang nakatakdang pagpapakapon.
• Ang lahat ng alaga ay kailangang nasa magandang kalusugan. Kung ang alaga ay nagpapakita ng mga senyales ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagluluha ng mata o pagtatae, hindi maaring ituloy ang pagkakapon/paliligate.
• Magdala ng pamunas at p**p bag upang masigurong mapanatiling malinis ang activity area.