13/11/2024
Sa mga agri supply/petshop wag niyo palitan kung ano ang nasa reseta ng mga lisensyadong vet tapos papaniwalain niyo na parehas lang ang gamot at paniniwalain niyo pa mga tao na may lisensyado kayong vet.
So paano naging parehas ang HYPROMELLOSE sa TOBRAMYCIN niyo?
So bakit niyo binigyan ng immunomodulator ang pasyente na supposed ay mag tatake ng immunosuppressant?
At bakit bibigyan niyo ang pasyente ng anti fungal na wala naman sa reseta dahil negative ito at sasabihin niyong same lang naman?
Kaya nga nag perform ng mga laboratory procedures nang ma diagnose nang maayos ang pasyente at maibigay ang tamang gamot.
Tapos pag may nangyari sa a*o dahil mali pala ang gamot na binigay niyo kaming mga lisensyadong vet ang masisisi? Kahit hindi naman kami ang sinunod?